Tuesday, 27 October 2020

Very practical goal/dream to accomplish

 Q - Tito pls give a young pro like me a very practical goal/dream to accomplish in my professional life?

A - Earn enough money and strengthen your social footing to the point that you may not have to deal with people who annoy or vex you?
Magpayaman to the point na hindi mo na kailangang makipagplastikan to survive or make a living?

Something is missing on your prayer?

 Q - What does it mean to humble yourself before God? I kneel pray and ask forgiveness, how come something still seems to be missing...

A - Humility is not just about posture. It is more of submitting your ideas and thoughts to God for examination and testing, then surrendering them kung hindi pasado.

Habol?

 Q - Tito do you believe na habang hinahabol ng mga lalaki yung mga babae mas lalo silang nag papahabol? Is it the same as kapag mas lalo mong minamahal ang babae mas lalo ka nilang aayawan?

A -Not the same.
Pag mahal ka ng babae, magpapahabol nga pero magpapa-abot naman. Pag minahal mo, lalu ka nyang mamahalin. Ang nagpapahabol lang ng wagas na wagas ay yung hindi ka gusto o hindi ka masyadong gusto. O yung nag-iinarte.
Yung sobrang maarte at ayaw paabot, tigilan mo ng kahahabol: pareho lang kayong mapapagod.
Subukan mong tigilang humabol; pag gusto ka, sya naman ang hahabul-habol sa yo 🙂 --- at bayaan mong sya naman ang mapagod! hahahahhaahahahahahahah!

Mr. Right Now?!

 Q - Nag-break po kami ni Mr. Right, Tito. Puede po bang makipag-on ako kahit kaninong Mr. Right Now para makalimot?

A - Eh pano kung si Mr. Right Now ay Mr. Buwisit pala?
That's jumping from the frying pan to the fire.
Pano mo naman nalamang mapapabuti ka?
Mainam pang manahimik ka na lang muna;
ltend to your wounds and heal by yourself
instead of exposing yourself to the possibility of more heartache or headache?

natataya sa gastusan sa family?

 Q - Young professional po ako na medyo malaki ang kita at promising ang career. Dahil dito, parang ako na lang nang ako ang natataya sa gastusan sa family ko. Yun pong mga kapatid ko, dahil di masyadong malaki ang kita, ang tingin nila ay exempted na sila sa mga family expenses. Ano po ang maipapayo nyo sa akin?

A - Kung responsible ka at promising ang career at kumikita ng mas malaki sa iba mong kapatid o kapamilya, YAN NA ANG MAGIGING ROLE MO BUONG BUHAY pag hindi mo binago ang system ngayon pa lang. Kahit maliit ang kita ng ibang kapamilya, hingan mo sila ng contribution pag may family expenses. Hwag kang masyadong generous na madaling lapitan/hingan kasi iisipin ng mga kamag-anak mo, ang dali sa yo ang pera. Hindi na sila mangingimi o makikiramdam. AASA na lang sila lagi sa yo. Kung ayaw mong yan ang maging permanent role mo sa buhay, huwag mong simulan o ituloy. Have everyone take responsibility for all family needs/expenses. Habang bata-bata ka pa, simulan mo ang ganyang system. Pag nasasanay na sila na laging ikaw ang taya, mata-trap ka.

Maganda ka girl?!

 Q - Sobra po akong maganda. Marami tuloy naiinis, siguro inggit. Ano po ang dapat ko na gawin?

A - Kalimutan mong maganda ka? Huwag kang masyadong conscious. Nababawasan ang ganda ng tao pag sobra nyang bini-big deal. At iwasan mo kainggitan at kainisan ka: hwag kang mahangin; hindi ka electric fan.
Be humble.

good manners?

 Q - Ano po bang ang working definition ng good manners?

A -Consideration / Respect for others.
Yung nakakaabala, nakakaaistorbo, nakakagulo, nakakalapastangan, etc. sa kapwa ay unethical.

Tito ano po kaya ang ibig sabihin ng girls pag nagcomment sa pic ng boy ng "pogi" "Gwapo" or equivalents?

 Q - Tito ano po kaya ang ibig sabihin ng girls pag nagcomment sa pic ng boy ng "pogi" "Gwapo" or equivalents?

A -Kung kamag-anak: Baka wala lang masabi/ comment lang.
Kung talagang kaibigan, tulad din ng sa kamag-anak.
Kung iba, baka
- nagpapantasya? 🙂
- nagpapa-pansin? 🙂
- umaasa? 🙂
Puede rin namang innocent, pure appreciation lang talaga. (Hmmm….)
-Ed Lapiz

Tulong?

 Q - Masama po ang loob ko sa mga taong matapos kung tulungan ng bonggang-bongga ay nilimot lang ako!

A - Wag ka nang magsama-sama ng loob pamangkin.
God is just.
Yung dapat ay "sukli/bayad" nila sa kabutihan mo na hindi nila ibinigay/ibinibigay sa yo ay and Diyos ang
1. nagbabalik/nagdadagdag sa yo.
2. kumukuha/bumabawas mula sa kanila.
Galatians 6:7 (CEV)
You cannot fool God, so don't make a fool of yourself!
You will harvest what you plant.
*
If you plant goodness, you harvest goodness.
If they plant ingratitude, they will harvest its fruit.
-Ed Lapiz