Q - Bakit po kaya ang ilap-ilap ng kapalaran sa akin. Nawala po halos ng magagandang projects na hanap-buhay ko. Dahil po kaya matagal na kong tumigil mag-church kasi naman ay wala akong matagpuang church na hiyang sa aking panlasa. (Aaminin ko po na ma-pride ako at maselan pero hindi po ako lumayo sa Diyos, naging private na lang nga po ang prayer and Bible study ko.)
Bakit po hirap na hirap ako ngayon sa buhay samantalang dati ay masagana ako at maraming projects?
A - Kung kahit na lang saang larangan ay parang mailap ang kasiyahan at kasaganaan, be it material, emotional or spiritual, malamang na ang bara ay wala sa labas kundi nasa loob.
Take an inward journey. Siyasatin mo ang kalooban mo at hanapin ang bara sa pagdaloy ng buhay at pagpapala.
Everything is spiritual and our battles are fought in spiritual realms.
To be more specific --- battles are in the mind. In thought .
Suriin mo ang paraan at takbo ng iyong pag-iisip at malamang ay naroon ang bara.
Puedeng negative ka mag-isip madalas: puedeng tulad ng sabi mo, ma-pride, o kaya magagalitin.
Puede ring may paraan ka na mapanakit o nakasasakit sa kapwa. Bawat sakit ng loob ng kapwa na tayo ang may gawa ay bumabalik sa atin bilang sakit din. What we give is what we get.
Siyasatin mo what you give to the world because it is what the world will give back to you. So what you are getting now could be what you have been giving to the world.
In life, we keep what we give away and lose what we selfishly try to keep.
We are not victims of life: we make life. So give what you like to receive.
Bless instead of curse. What comes out of our mouths fly into the sky and boomerangs back to us.
Change your life by changing the way you think, talk and live.
*
Romans 12.2 Be changed by the renewing of your mind.
*
Our mind is a factory. Thoughts produce the things that surround us.
So make your thoughts/mind produce what you like to harvest in life.
Ang kailangan para baguhin ang kapalaran ay PAGBABAGONG-LOOB / Paghuhunus-dili ---na magaganap matapos ang pagninilay-nilay at pagbubulay-bulay.
AT HINDI laging KAILANGAN ANG Religion, Inc. para maganap ang pagliliwanag ng isip. May pagkakataong yung religious baggage pa nga ang nagiging hadlang para magkaron ng tunay na panunuri ng espiritu.
Kaya huwag mong isiping lumalayo ang Diyos sa yo dahil lang malayo ka sa corporate religiosity. Hindi lang sa religiosity nakakaniig ang Maylikha. Pero kung may tama, tugma at hiyang na church, makatutulong ito ng malaki.
Dalangin ko na maiba ang ihip ng hangin sa paligid mo.
Pero mangyayari yun kung maiba muna ang ihip ng hangin sa kaibuturan ng puso mo. Ang pagbabago sa labas at tugon lang sa pagbabago sa loob.
Bunutin, alisin, puksain ang anumang hinananakit, sama ng loob, galit, poot at pagkasuklam na nananahan sa puso. Ang mga ito ay mga batubalaning umaakit ng hinagpis.
- Ed Lapiz
No comments:
Post a Comment