Q - Nagli-lead po ako ng all-Filipino Bible Study dito sa Middle East. Para pong gusto kong mag-washing of feet ng mga attendees gaya ng ginawa ni Lord Jesus para magturo po ako ng humility at servanthood. What do you think?
A -
Sa Israel noong unang panahon, ginagawa talaga ng host/maybahay ang maghugas ng paa ng guests as a symbol of hospitality. Pag mayaman ang may bahay, mga katulong nya ang gumagawa noon. O kung talagang gusto nyang ipadama ang love nya sa guest, sya mismo ang gagawa.
Nang ginawa yun ni Jesus, alam at naiintindihan ng mga disciples ang ibig sabihin at gustong ipadama ni Jesus.
Sa ating mga Filipino, wala tayong ganung tradisyon. Asiwa kung kokopyahin natin yung symbol. Baka magmukha ka pang empleyado ng foot spa, although wala namang masama sa pagiging ganung empleyado.
Wag yung symbol/act ang kopyahin mo kundi yung symbolized o diwa na ipinararating (tulad ng love, humillity, consideration, kindness, hospitality, etc.) Humanap ka ng kaugalian natin na magpapahayag noon (tulad ng pagbibigay ng ulam/pagkain, pakikiramay/pag-aabuloy kung kailangan nila ng tulong, atbp.) at yun ang gawin mo. Siguradong maiiintindihan ang mensahe mo dahil swak sa ating mga kaugalian at ang diwa ay tulad din ng gustong ituro ni Jesus.
Ang tawag sa ganitong approach to Biblical interpretation and application ay CONTEXTUALIZATION. Understand the context of the verse and imitate the idea of the context, not the cultural actions that express that idea in the unique environment/context of the people in the Bible who lived in a distant time, place and cultural norms.
Halimabawa yung pagbebelo sa Corinth na nirequire Paul. Kasi ang walang belo at babaing maikli ang buhok sa lugar na yon ay prostitutes. So, para huwag mapagkamalang prostitutes ang Christian women, o kung formerly ay prostitutes sila pero hindi na, pinagbebelo sila ni Paul at pinagpapahaba ng buhok.
Samantala sa Pilipinas, hindi naman como walang belo o maiksi ang buhok ng babae ay prostitute na sya. Hindi pagbebelo o mahabang buhok ang symbol ng pagiging makadiyos o pagiging HINDI prostitute kaya wala sa context na irequire ang Christian Filipino women in the Philippines na magbelo o magpahaba ng buhok.
Ganun ang contextualization.
- Ed Lapiz
No comments:
Post a Comment