Friday, 30 March 2018

Ed Lapiz - Isang Tanong Isang Sagot

Q - Tito what can you say about the movie "MARY MAGDALENE"?
A -
Fresh and refreshing ang treatment.
This film presents the 
- OTHER point of view; the 
- filling of blanks in the traditional narratives; the
- other angles of the story that some scholars read both IN the extant traditional texts and in the glaring BLANKS in those texts and in other texts not in the canonized volumes of the NT.
So it follows that if you would want every scene in the film to be verse-based, you would probably be dissatisfied?
Highly recommended ang film na to.
Nakakapag-paisip.
Nakakalawak ng isip.






Q - Tito, nagpakasal po ako sa Japanese para magka-legal papers dito sa Japan. Heto po ako ngayon, kasal, may anak, legal....pero hindi happy. Kasi po ang mister ko ay hindi karinyoso, hindi ako binobolatsing, hindi fun, hindi romantiko at hindi ako nakikiliti. Miss ko na po ang maloka sa kiliti.
Meanwhile, may mga Pinoy pong pogi at masuyuin na nanliligaw sa akin. Gusto ko na pong bumigay????
A - Halt! Tigil!
Pamangkin, nag-asawa ka, pinakasalan ka, ibinahay ka. May anak ka pa. Tahimik ang buhay mo. Kumakain ka (at siguradong nakapupuslit pa ng padala sa pamilya sa Pilipinas) PAG-ARALAN MO NANG SUMAYA sa mga blessings na yan!

Huwag ka nang maghanap ng extra kiliti.
O kaya, kumuha ka ng hanger at kilitiin mo sa talampakan ang sarili mo hanggang mangisay at magpagulung-gulung ka sa kiliti! TAMA NA YUN.
Kung hindi, pupunta ako dyan at igagapos ka sa parking lot ng Pachinkong malapit sa inyo. Lab you pamangkin!




Q - Ano po ang magandang attitude towards bashers?
A -
Count bashers as fans —- negative fans. Pero fans! Hahhahah



Q- Ano po ang gagawin para walang bashers?
A- Be invisible? Wag kikibo? Be faceless, voiceless, nameless? Sasabihin ko sana "Die"
pero kahit mga dedo, may bashers pa rin




Q - Paano ko po mapapalaki ang chance ko na makautang kung dumating ang need na mangutang? Maganda po ba yung record na wala kang utang at hindi nagkautang ever? Kasi po ganoon ako.
A -
Kung gusto mong malaki ang chance na MAKAutang just in case na kailanganain mo, mas magandang may credit history ka.
Umutang ka ng kaya mo talagang bayaran, halimbawa sa bank.
Tapos bayaran mo talaga fully and always on time. Mag restructure ka pa at magbayad ng advance. Magandang credit history yun. Mas maganda ang credit standing mo kesa kung wala kang credit history. Kasi walang basis para malamang mahusay kang magbayad.



Q - Nalulungkot po ako tuwing gabi kasi isang araw na naman ang nalagas sa tangkay ng panahon ng buhay. Parang nabawasan na naman ng isang araw ang buhay ko.
A -
BALIGTAD pamangkin!
Pasalamat ka at magsaya na hindi ka pa nadedo kahapon.
Na buhay ka pa hanggang ngayon. At tumanda ka pa nga by one day!
Ibig sabihin nadagdagan pa ng isang araw ang buhay mo!



Q - Talo po ako lagi lasi ako ng ako ang nagbibigay sa mga pobre kong kamag-anak.
A -
Hindi ka talo.
Panalo ka, kasi ikaw ang may ibinibigay / pambigay.



Q - What do you think of MultiLevel Marketing?
Maganda po bang sumali ang church people?
A-
Why not kung maganda ang product?
Pero dapat sa isang church or family or group, ISANG LEG LANG, walang cross lines. Kasi di maiiwasang mag-compete, mag-agawan ng downlines, at magkatampuhan at puede pang magkagalit!
When not handled well, MLM could cause divisions and ill feelings in a cohesive group.




Q - Tito ano po ang most important management skill?
A -
Personal anger management?!



Q - Bagung-bago lang po akong single; my BF and I just broke off last month. Masama po bang mag-entertain na agad ng someone new?
A -
Bakit naman magiging masama eh single ka na naman?
A current one could be the best way to forget the former one




Q - Tito what are good healthful habits?
A -
Eat well...but moderately.
Eat small amounts, but often.
Eat (only) with people you like / enjoy being with.
Sleep a lot.
Make sleeping a beautiful experience. Invest in / Splurge on a really good bed, in "luxury" pillows, downs, sheets, etc.
Have frequent --- even if short and simple ---breaks / vacations.
Avoid / Minimize
- negative emotions / feelings, especially anger, jealousy, envy.
- stress.
- fatigue.
Move. Exercise.
Minimize pain, maximize pleasure, do the most good.
Stay simple and truthful; wag magpagod sa pagkukunwari.
Earn more than you need.
Do not spend more than you earn.
Avoid / Minimize utang. Ka-stress yan!
Say no to what you do not like. Say yes to what you like.
Do not be afraid of other people's opinions. Bahala sila sa buhay nila.
Wag mag-maintain ng false image like mayaman pero hindi naman, matalino pero hindi naman, malakas pero hindi naman. Kapagod yun.
Find beauty and nobility in life.




Q - Tito pano ko po ipo-protect ang sarili sa sobrang devastation dahil sa failed relationships. Lagi po akong super windang pag nag break up ang romance.
A -
Kung iibig man, wag i-super todo;
magtira [ng marami] para sa sarili.
Sabi nga ng kanta: "Put a little love away...
Everybody needs some centavos for a rainy day.."




Q - Tito kahit po ano ang gawin kong pagpapa-puti sa kilikili ko ang itim-itim pa rin?! Waaaaaah! Ano po ang gagawin ko?
A -
Paitimin mo kaya ang buo mong katawan para pantay?




Q - Pano po makaka-avail ng books ninyo? I live abroad and my relatives live far from bookstores.
A -
Go to the Ed Lapiz App.
May directions doon how to get EL books delivered to you.



Q - Tito do you vacation out of town pag Mahal na Araw?
A -
Nooooo pamangkin!
It's a rare and precious time to enjoy na maluwag ang Maynila, the City of our Affections!
At ayaw ko nang dumagdag pa sa sikip sa mga highways.
Ipaubaya na ang mga daan at magagandang bakasyunan sa mga pamangkin na pag Cuaresma lang may mahabang panahon ng bakasyon!



Q - Bakit po sa maraming Christian events, sa "billing"
1. una ang mga foreign speakers at mas malalaki ang names and pictures nila?
2. pangalawa ang local "celebrity" endorsers / testifiers ?
3. at kulelat ang mga local pastors /speakers?
PARA PONG MAY COLONIAL AND SHOW BIZ MENTALITY KAHIT CHRISTIAN EVENTS ORIGANIZERS?
A -
Ewan pamangkin. Paki tanong mo sila?!




Q - Bakit po maraming Christians kunwari ay ayaw sa "world" at sa mga celebrities pero kandarapa naman sila sa pagkuha sa mga celebrities para magpatotoo / magbigay ng testimony?
Mas mahalaga po ba ang testimony ng mga artista at athletes at mayayaman kaysa sa testimony ng non-celebrities?
A -
I do not know to them anak.
Sa Tagalog, "Ewan ko sa kanila."




Q - Natuwa po ako nang nakausap ko sa messenger /PM ang isang high-profile personality. Pero matapos po ang ilang exchanges of messages, hindi na po sya sumasagot?
A -
Baka naman ang dalas mong mag message? Kung high profile sya tulad ng sabi mo, very busy yun. Or kung hindi naman kayo personally close, maa-annoy sya kung ang dalas mong mag message lalu nat hindi naman tungkol sa talagang malaki o mahalagang topic.




for prsonal Question kindyly pm here :https://www.facebook.com/edlapiz

No comments:

Post a Comment