Friday, 30 March 2018

Ed Lapiz - Isang Tanong Isang Sagot

Q - Tito what can you say about the movie "MARY MAGDALENE"?
A -
Fresh and refreshing ang treatment.
This film presents the 
- OTHER point of view; the 
- filling of blanks in the traditional narratives; the
- other angles of the story that some scholars read both IN the extant traditional texts and in the glaring BLANKS in those texts and in other texts not in the canonized volumes of the NT.
So it follows that if you would want every scene in the film to be verse-based, you would probably be dissatisfied?
Highly recommended ang film na to.
Nakakapag-paisip.
Nakakalawak ng isip.






Q - Tito, nagpakasal po ako sa Japanese para magka-legal papers dito sa Japan. Heto po ako ngayon, kasal, may anak, legal....pero hindi happy. Kasi po ang mister ko ay hindi karinyoso, hindi ako binobolatsing, hindi fun, hindi romantiko at hindi ako nakikiliti. Miss ko na po ang maloka sa kiliti.
Meanwhile, may mga Pinoy pong pogi at masuyuin na nanliligaw sa akin. Gusto ko na pong bumigay????
A - Halt! Tigil!
Pamangkin, nag-asawa ka, pinakasalan ka, ibinahay ka. May anak ka pa. Tahimik ang buhay mo. Kumakain ka (at siguradong nakapupuslit pa ng padala sa pamilya sa Pilipinas) PAG-ARALAN MO NANG SUMAYA sa mga blessings na yan!

Huwag ka nang maghanap ng extra kiliti.
O kaya, kumuha ka ng hanger at kilitiin mo sa talampakan ang sarili mo hanggang mangisay at magpagulung-gulung ka sa kiliti! TAMA NA YUN.
Kung hindi, pupunta ako dyan at igagapos ka sa parking lot ng Pachinkong malapit sa inyo. Lab you pamangkin!




Q - Ano po ang magandang attitude towards bashers?
A -
Count bashers as fans —- negative fans. Pero fans! Hahhahah



Q- Ano po ang gagawin para walang bashers?
A- Be invisible? Wag kikibo? Be faceless, voiceless, nameless? Sasabihin ko sana "Die"
pero kahit mga dedo, may bashers pa rin




Q - Paano ko po mapapalaki ang chance ko na makautang kung dumating ang need na mangutang? Maganda po ba yung record na wala kang utang at hindi nagkautang ever? Kasi po ganoon ako.
A -
Kung gusto mong malaki ang chance na MAKAutang just in case na kailanganain mo, mas magandang may credit history ka.
Umutang ka ng kaya mo talagang bayaran, halimbawa sa bank.
Tapos bayaran mo talaga fully and always on time. Mag restructure ka pa at magbayad ng advance. Magandang credit history yun. Mas maganda ang credit standing mo kesa kung wala kang credit history. Kasi walang basis para malamang mahusay kang magbayad.



Q - Nalulungkot po ako tuwing gabi kasi isang araw na naman ang nalagas sa tangkay ng panahon ng buhay. Parang nabawasan na naman ng isang araw ang buhay ko.
A -
BALIGTAD pamangkin!
Pasalamat ka at magsaya na hindi ka pa nadedo kahapon.
Na buhay ka pa hanggang ngayon. At tumanda ka pa nga by one day!
Ibig sabihin nadagdagan pa ng isang araw ang buhay mo!



Q - Talo po ako lagi lasi ako ng ako ang nagbibigay sa mga pobre kong kamag-anak.
A -
Hindi ka talo.
Panalo ka, kasi ikaw ang may ibinibigay / pambigay.



Q - What do you think of MultiLevel Marketing?
Maganda po bang sumali ang church people?
A-
Why not kung maganda ang product?
Pero dapat sa isang church or family or group, ISANG LEG LANG, walang cross lines. Kasi di maiiwasang mag-compete, mag-agawan ng downlines, at magkatampuhan at puede pang magkagalit!
When not handled well, MLM could cause divisions and ill feelings in a cohesive group.




Q - Tito ano po ang most important management skill?
A -
Personal anger management?!



Q - Bagung-bago lang po akong single; my BF and I just broke off last month. Masama po bang mag-entertain na agad ng someone new?
A -
Bakit naman magiging masama eh single ka na naman?
A current one could be the best way to forget the former one




Q - Tito what are good healthful habits?
A -
Eat well...but moderately.
Eat small amounts, but often.
Eat (only) with people you like / enjoy being with.
Sleep a lot.
Make sleeping a beautiful experience. Invest in / Splurge on a really good bed, in "luxury" pillows, downs, sheets, etc.
Have frequent --- even if short and simple ---breaks / vacations.
Avoid / Minimize
- negative emotions / feelings, especially anger, jealousy, envy.
- stress.
- fatigue.
Move. Exercise.
Minimize pain, maximize pleasure, do the most good.
Stay simple and truthful; wag magpagod sa pagkukunwari.
Earn more than you need.
Do not spend more than you earn.
Avoid / Minimize utang. Ka-stress yan!
Say no to what you do not like. Say yes to what you like.
Do not be afraid of other people's opinions. Bahala sila sa buhay nila.
Wag mag-maintain ng false image like mayaman pero hindi naman, matalino pero hindi naman, malakas pero hindi naman. Kapagod yun.
Find beauty and nobility in life.




Q - Tito pano ko po ipo-protect ang sarili sa sobrang devastation dahil sa failed relationships. Lagi po akong super windang pag nag break up ang romance.
A -
Kung iibig man, wag i-super todo;
magtira [ng marami] para sa sarili.
Sabi nga ng kanta: "Put a little love away...
Everybody needs some centavos for a rainy day.."




Q - Tito kahit po ano ang gawin kong pagpapa-puti sa kilikili ko ang itim-itim pa rin?! Waaaaaah! Ano po ang gagawin ko?
A -
Paitimin mo kaya ang buo mong katawan para pantay?




Q - Pano po makaka-avail ng books ninyo? I live abroad and my relatives live far from bookstores.
A -
Go to the Ed Lapiz App.
May directions doon how to get EL books delivered to you.



Q - Tito do you vacation out of town pag Mahal na Araw?
A -
Nooooo pamangkin!
It's a rare and precious time to enjoy na maluwag ang Maynila, the City of our Affections!
At ayaw ko nang dumagdag pa sa sikip sa mga highways.
Ipaubaya na ang mga daan at magagandang bakasyunan sa mga pamangkin na pag Cuaresma lang may mahabang panahon ng bakasyon!



Q - Bakit po sa maraming Christian events, sa "billing"
1. una ang mga foreign speakers at mas malalaki ang names and pictures nila?
2. pangalawa ang local "celebrity" endorsers / testifiers ?
3. at kulelat ang mga local pastors /speakers?
PARA PONG MAY COLONIAL AND SHOW BIZ MENTALITY KAHIT CHRISTIAN EVENTS ORIGANIZERS?
A -
Ewan pamangkin. Paki tanong mo sila?!




Q - Bakit po maraming Christians kunwari ay ayaw sa "world" at sa mga celebrities pero kandarapa naman sila sa pagkuha sa mga celebrities para magpatotoo / magbigay ng testimony?
Mas mahalaga po ba ang testimony ng mga artista at athletes at mayayaman kaysa sa testimony ng non-celebrities?
A -
I do not know to them anak.
Sa Tagalog, "Ewan ko sa kanila."




Q - Natuwa po ako nang nakausap ko sa messenger /PM ang isang high-profile personality. Pero matapos po ang ilang exchanges of messages, hindi na po sya sumasagot?
A -
Baka naman ang dalas mong mag message? Kung high profile sya tulad ng sabi mo, very busy yun. Or kung hindi naman kayo personally close, maa-annoy sya kung ang dalas mong mag message lalu nat hindi naman tungkol sa talagang malaki o mahalagang topic.




for prsonal Question kindyly pm here :https://www.facebook.com/edlapiz

Saturday, 10 March 2018

Pastor Ed Lapiz - Isang Tanong Isang Sagot

Q - Paano po lalawak ang isip?
A -
Pag-isipan, basahin, pakinggan yung hindi gusto, hindi madali at hindi karaniwang mga paksa.
Pag lang yung gusto mong paksa ang laging pagtutuunan ng pansin,
makukulong ka sa limitadong paksa.
Hindi lalawak ang isip.





Q - Ang hirap pong kontrolin ang galit na nasa isip / puso. How can I control my anger which is really mental / emotional / spiritual?
A -
Break its cycle. Mental anger becomes physical.
If you can't easily control your mental anger, begin your control project with the physical.
MAKE YOUR BODY DO UN-ANGRY ACTIONS like SMILE, SHRUG YOUR SHOULDERS, laugh, ETC.
Susunod ang mind mo!





Q - Hindi daw po Christian ang pagpapa-tattoo?
A-
Saan daw based yun?
Q-
Cain daw po, itinatak daw po un after na patayin niya si Abel?
A -
Para nga protection nya!!!
So blessing yun!
At sino ang maysabi na tatoo yun?
Tinatooan ng Diyos si Cain???
IF yes, eh di protection pa nga yung tatoo? And God-made??


(Hindi sinabi ng Tito na protection ang tatoo ha! Na gawa ito ng Dios! Reaction yan sa argument nung contra sa tatoo)




Q - Tito, we observed po sa NIV may omitted na words like Acts 9:6. We used diff versions, NIV ung sakin. Bakit po may mga ino omit na words which are important to our studies? 
Akala ko pa naman ok ang NIV ðŸ˜•.
A -
Not omited! Hindi nilagay ng niv kasi wala yung words sa most ancient / oldest manuscripts. It is possible that instead of niv omitting words ay case yan ng other versions ADDING those words na wala sa oldest sources. Nadagdag lang over time at lumabas sa newer documents?




Q- pag nagpilgrimage po ba sa Jerusalem, ang mga mapupuntahang buildings ay yun talagang mga buildings nung panahon ni Jesus? Ka-bless naman! 
A -
NO, pamangkin!!!
Jerusalem was totally, completely destroyed by the Romans in AD 70. Walang natira kundi konting bato/bahagi ng pader. Jesus even prophesied that total destruction! 
The Jews were driven away from Palestine. Modern Israel only became a nation in 1947. The Ottoman Empire / Turks occupied most of Palestine in the 1500’s and built most of what is in “old Jerusalem” right now, including the walls, gates, infrastructure and roads! Wala ni isa sa old buildings na nakatayo ngayon sa “old” / 15th Century Jerusalem na pinupuntahan ng pilgrims ngayon ang nakatayo noong panahon ni Jesus!! Pilgrimage Tourism ek ek lang yun!! Although there are some buidings that were built before the 15th Century but centuries AFTER Jesus!

(Posibleng wala ni isang gusali sa Jerusalem na pinupuntahan ng pilgrims ngayon ang nakatayo nung panahon ni Jesus. “Old Jerusalem” as it stands now was mostly built by the Ottomam Empire in the 15th Century, on the site of the much older city that was totally destroyed by the Romans in AD 70)




Q – According to the New Testament, does God have any favorite race or nation?
A -
1. John the Baptizer: “None.”
Matthew 3:9 (CEV)
9 And don’t start telling yourselves that you belong to Abraham’s family. I tell you that God can turn these stones into children for Abraham.

2. John: “None.”
John 3:16 (CEV)
16 God loved the people of this world so much that he gave his only Son, so that everyone who has faith in him will have eternal life and never really die.
3. Jesus: “None.”
Matthew 28:19 (CEV)
18 Jesus came to them and said:… 19 Go to the people of all nations and make them my disciples
4. Paul: “None.”
Romans 2:9-11 (CEV)
9 All who are wicked will be punished with trouble and suffering. It doesn’t matter if they are Jews or Gentiles. 10 But all who do right will be rewarded with glory, honor, and peace, whether they are Jews or Gentiles. 11 God doesn’t have any favorites!
Galatians 3:28 (CEV)
28 Faith in Christ Jesus is what makes each of you equal with each other, whether you are a Jew or a Greek, a slave or a free person, a man or a woman.





Q - Bakit pa kaya may mga bansa na sobrang higpit against the practice of Christianity in their countries? Of the devil po ba sila?
A -
Malamang na ang primary reason nila sa paghihigpit, aside form religious, ay political / economic or nationalistic reasons.
Religions that come from outside the country tend to
1. Teach the citizens of that country to have loyalty to foreign persons /institutions.
2. Consequently collect money from the mission field to the sending country.
Hindi napapansin ng zealous religious people that their religion could undermine a mission-field country's
- culture.
- politics.
- identity and sovereignty




Q - Bakit po hindi na kayo madalas mag-guest sa mga tv talk /interview shows tulad noong dati?
A -
Usually very FRUSTRATING
magpa-interview o mag-guest sa TV o sa radio.
Maraming "media" talk show hosts ay medya-medya, hindi marunong mag- interview!!!
Walang kaalam-alam! O kaya nakikipag-contest sa guest.
Puro daldal, at yung "ideas" nya ang ibinabalandra samantalang ikaw ang interviewee!
At marami sa kanila, walang preparation.
Walang research tungkol sa topic o sa tungkol sa guest.
So yung "interview" nyo ang nagiging parang initial research in preparation for THE interview.
O kaya, may preparation ng host at pilit nyang ipaparada ang kanyang "karunungan" at the expense of the guest.
Tapos, matapos mong mag-ubos ng oras pumunta sa station nila,
ang iksi ng oras ng tunay na talk! Dekorasyon ka lang. Parang deodorant or cosmetic. Sayang.
And for all your effort, bibigyan ka ng isang mini basket ng promo products ng sponsors nila
habang yung mga magagaling na hosts ay binabayaran ng malaki!??
Naku!
Kanila na lang ang mga interview-interview nila.





Q - Di po ba dapat pakasalan ni lalake si babae pag nabuntis nya? Pag buntis na, ang hirap pong maghabol sa lalaki para hingan ng kasal!
A - Mas dapat na humingi muna si babae ng kasal BAGO tumihaya. Para pag nabuntis sya, di na kailangang maghabol pa.
Q - Ay! Wala pong lalaking papayag?! Hindi naman po sila ganung ka-serious agad para magpakasal na.
A - Di pala serious, eh bakit ka titihaya, babae? Tapos, maghahabol ka ng kasal kung kelan nakalunok ka na ng pakwan? Sorry na lang kaya.
Dapat talaga, panagutan yan ni lalake. Pero maraming dapat ang hindi nangyayari sa mundong ibabaw. Kaya kipit-kipit na lang pag may taym.




Q - Kinausap po ako ng church leaders.
Magbago daw po ako kasi sobra akong makatawa. Bawasan ko raw po kasi napagtsitsimisan na raw ako ng mga conservative at dahil sa akin ay nagkakasala ang marami?
Sobra po nilang pinahahalagahan yng panlabas na kilos, anyo, kasuotan at ang gusto nila yung para kang manekin, walang kibo, laging kimi at opo lang ng opo.
Gusto ko na po talagang umalis sa church na ito kasi lahat po ng tungkol sa pagkatao ko ay pinakikialaman at gustong baguhin.
Di po ba acceptance ang turo ni Jesus?
Bakit dito po, rejection ang nararamdaman ko?
A -
Go pamangkin!
Now na!



Q - Ang spiritual community po na naaniban ko ay hindi pala loving,
In fact, mabagsik, controlling, self-righteous, judgmental and even unkind to sinners or members who fail. Hindi po ako makaalis kasi
ito raw pong group namin ang totoo, tama at tunay na church ni Christ at kami lang daw po ang tunay na maliligtas?
A -
Sabi mo
mabagsik, controlling, self-righteous, judgmental and unkind
tapos
NANINIWALA KA NA tama, totoo, tunay na church of Jesus yan?
Eh kabaligtaran ni Jesus ang mga sinabi mo.
At kung totoong sila/ kayo lang ang ligtas,
YAN BANG MGA GANYANG RELIHIYOSO ang gusto mong makasama sa eternity?




Q - Tito pagkagwapo-gwapo po ng bagong transfer na guy sa church namin. Natauhan po at na-electrify halos lahat ng kababaihan, pati na yung mga super conservative kuno na mga old maids.
May ganun po palang kagwapong lalaki. Lahat po yata kami sa church ay lihim na naghahangad sa kanya. Ano po ang gagawin ko para mapansin nya???
A -
Wala.
Manahimik ka.
Kung mapapansin ka nya, mapapansin ka.
In fact, sa di mo pagkandarapa sa kanya ay baka dun ka pa mapansin.




Q – Are present-day “Jews” exactly the same people as the Old Testament “Israelites”?
A –
NO, present-day Jews are NOT the same people as the OT “Israelites”. 
Most of the people of modern-day Israel originated from Poland, Estonia, Latvia, Russia and other parts of Eastern Europe. They crossed not the Jordan River but the River Volga.
The ancient “Israel” nation was composed of 12 tribes, and by 722 BCE , ten of those tribes (the Northern Kingdom known as Israel) disappeared forever when Assyria invaded Israel. Only the Southern Kingdom composed of Benjamin and Judah were left. (So, wala nang Israelites ngayon, only "Jews". Although mayrong modern country called Israel, it doesn't automatically mean na sila ay descendants ng sinaunang Israelites.)
In 587 BCE Judah was conquered and taken to captivity for almost 50 years (587-539 BCE) by Babylon.
It was in the Babylonian exile of the Tribe of Judah that Judaism was developed into the formal religion that it would be known for long.
That form of religion was most probably unknown to or at least not the same as the form of religion practiced by the 10 tribes of Israel that vanished. When Jesus says "I came to fulfil the Law, he very probably refers to THE law practiced by the original Israelites who vanished, and not exactly the same Law enforced during his time. That is why while he says he fulfils the Law (the old, original one), he actually breaks many of the Laws (the ones in force during his time) and teaches an altogether different Law: Love. It could be that even the Jews of Jesus' time were already very different from the original Israelites who vanished much earlier. In fact, the Herodian kings were not even Israelites but foreigners /Idumeans, and so were most of the rulers and upper classes.In much the same way today, many people we think to be Israelites are actually not of the original Israelite race (since those people vanished) but present-day Jews.
After the Babylonian captivity,
tt was only the remnants of the tribe of Judah that returned to Jerusalem in 539 BCE.
This group of people returned as Jews, not exactly the same people called Israelites much earlier.
Then consider the historical fact that immediately after AD 70, the Jews were expelled from the land. They dispersed and lived among many peoples until the nation of ‘Israel” was created with intervention of the United Nations in 1948
and many Jews from all over began living in the present-day Israel.
Were the people who came starting in the 1940’s the same as those who were expelled in AD 70?
Dr R. Arevalo, Bible scholar, linguist and translator, a theologian and Bible seminary professor says this about the terminologies “Israelite” and “Jew”.
"There is subtle manipulation of the biblical texts in order to suit the highly questionable use of proof texting in the translation of seemingly innocent words such as Israel, Judah and Jews in the English translations of the Bible. The article titled The Myth of Judeo-Christian Tradition published by New Dawn Magazine exposes this scheme, "
'Few Christians are aware that the translators of Scripture often mistranslated the word "Jew" from such words as "Ioudaioi" (meaning from, or being of: as a geographic area, Judean). The word Judean, mistranslated as "Jew" in the New Testament, never possessed a valid religious connotation, but was simply used to identify members of the native population of the geographic area known as Judea.
Also it is important to understand that in the Scriptures, the terms "Israel", "Judah" and "Jew" are not synonymous, nor is the “House of Israel” synonymous with the “House of Judah”. The course of history is widely divergent for the peoples properly classified under each of these titles. Accordingly, the authoritative 1980 Jewish Almanac says, "Strictly speaking it is incorrect to call an ancient Israelite a Jew or to call a contemporary Jew an Israelite or a Hebrew.'
"So, it could be incorrect to think that the present-day “Jew” is the same as the ancient 'Israelite'".