Q - Paano po maging GUEST na hindi PESTE sa HOST?
A -
1. Do not invite yourself.
2. Do not overstay your welcome.
THE SHORTER THE VISIT, THE MORE WELCOME.
3. Hanggat kaya, or unless talagang super sincere ang invitation,
hwag makitira / makibakasyon sa bahay ng host 24/7.
Tama na yung dumalaw for a meal, kwentuhan, even extended kwentuhan, or one overnight, pero wag tumira dun 24/7 unless pakapilit-pilitin ka talaga.
4. Kung makitira, wag pa-bebe / pa-senyorito/a, clean after yourself, AT WAG IPASAN SA HOST ANG TRANSPORTATION mo. Contribute to expenses, or buy some supplies/ foods or treat the host to restaurant meals. At wag gawing tour operator ang host. You are on vacation; sya hinde. At wag palibre pag lumalabas kayo!
5. Wag kumalat sa sala, lalu na kung may dumating silang ibang bisita.
6. Wag magdala ng ibang tao/guests sa bahay ng host.
7. Get scarce --- scram --- kung may personal drama na nagaganap sa hosts.
8. Wag magmanman at wag makialam sa mga private activities ng host.
9. Never extend your stay beyond the original arrangement.
10. Wag magbakasyon kung makikitira lang sa napilitang hosts.
No comments:
Post a Comment