Friday, 19 January 2018

Ed Lapiz

FAITH SHOULD BE PERSONAL.
Do not rely only on"experts" or official dogma
or tradition or family in the development of your faith.
Mag-isip. Manuri. Manalangin. Makiramadam.
DON'T LET THEOLOGIANS TELL YOU WHAT TO BELIEVE IN.
SILA NGA HINDI MAGKA-SUNDU-SUNDO.
Mag-isip para sa sarili.
Personal yan.





Pastor Ed Lapiz

                                          


Q - Kailangan ko pa po bang makipag-friends sa mga taong sobrang nanakit sa akin tapos nag-sorry?
A-
Kung di mo na feel, wag na. No need.
Basta ceasefire na lang.
No need to be pa-close-close pa kung hindi mo gusto.
Sa lagay, nag sorry lang sila ay balik na ang lahat.
Follow your heart kung di mo feel maki-close ulit.




Suriin kung ang pag-"tulong"
ay pangungunsinti na.



Q -
Yung po bang "being not under the law"...means the whole law from the old testament..including moral law?
A -
Jesus gave only one law: Love. All OT and NT/post Jesus laws must be filtered through the Jesus Law. Pag hindi loving ang application, invalidated na yun ng Law of Love ni Jesus. Pag loving ang application, puede at effective pa. That application is evident in the life, teachings and examples of Jesus.





Q - Bakit po ayaw ng parents na ginagabi ang anak sa labas?
A -
Mas lumalalim ang gabi, mas
- lasing na ang umiinom
- bangag na ang nagda-drugs
- puyat na ang mga nagda-drive
- konti na ang pulis at taumbayan sa mga daan
- madilim
- gumagala na ang mga "aswang"
=
MAS MARAMI NANG PANGANIB SA LABAS!




Q- Bakit po pag ayaw ng parents sa napangasawa ng anak nila ay inaalisan nila ng mana?
A -
Kasi pag biglang nadedo ang anak nila, lahat ng ipinamana nila ay mapupunta sa manugang na ayaw nila?!
At pag nag asawa ulit ang manugang na yun, yung new partner nya ay makikinabang sa mana ng nadedong first partner?


-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



Genesis does not attempt to give a complete inventory of all created beings and is not supposed to be
- read as the only official inventory of all Creation.
- used in setting limits in recognising all creations of God (especially those not listed).
Naglista lang selectively. Nag-close-up to a limited few. Nagbigay lang ng general picture.
Pero hindi naman sinabing ito lang ang "official" complete inventory of creation --- na kung wala sa listahan ay hindi na nag-exist.
Otherwise, nasan sa listahan ang mga amphibians, amoeba, bacteria, dinosaurs, etc. at pati ang mga napakaraming tao sa lungsod na pinuntahan ni Cain; mga taong wala sa listahan ng pamilya nina Eba at Adan?
Huwag gawing limitasyon ng Diyos at ng Creation ang listahan sa Genesis.
God is infinitely greater than any book. No book could adequately contain the majesty of God.
John 21:25 (CEV)
Jesus did many other things. If they were all written in books, I don’t suppose there would be room enough in the whole world for all the books.

Ed Lapiz





Don’t listen to everything that everyone says, or you might hear your servant cursing you.
- Ecclesiastes 7:21 (CEV)
IOW: WAG nang alamin at pahalagahan ang lahat ng sinasabi ng iba tungkol sa yo.
Wag paapekto sa mga daldal nila.







Don’t guarantee to pay
someone else’s debt.
- Proverbs 22:26 (CEV)
IOW:
Wag 
- mag-guarantor.
- magpagamit ng credit card.
- magprenda ng gamit o ari-arian para sa utang ng iba.
PUEDE namang gawin ito kung talagang gusto
basta handa kang magbayad / magdusa pag hindi nakabayad ang ginagarantiyahan mo






SINO ang pinag-aagawan ng mga kamag-anak, religions/churches, seller ng lupa/bahay/condo, mangungutang, manghihingi, at ng mga tukso?




Yang “Don’t be unequally yoked with unbelievers”:
Unbeliever bang matatawag ang nananalig naman sa Dios at kay Jesus, kaya lang ay member ng ibang congregation?





Q - Tito ano po ang magandang gawin pag naiinip?
A -
Exercise pamangkin.
Papawis.




Mga OFWs:
Tigilan
Minimize na ang pasalubong at pa door-to-door.
Mag-ipon ng pera.
Mag-invest.
Huwag puro pamigay.






Yung:
Tipid ka nang tipid 
tapos uutangin / hihingin ni maluho?





Ed Lapiz - BOOKS






BAGO TUMALON…
Suicidal? Magtigil ka!
You have all the opportunities to die and all the time to be dead.
So, bakit magmamadali?
Bago mag-suicide, dapat munang magtanong, magsuri at mag-isip-isip.
Kung api ka at kawawa, why not torture your oppressors with your long life?
Kung nalulungkot ka, ano naman ang assurance mo na mas
masaya ka sa kabilang buhay?
Madalas, yang pag-iisip ng suicidal ay dahil lang sa gutom at pagod.
Pag nabusog na, o nakapagpahinga, o lalo na kung nagkaroon ng
(bagong) papa/mama, biglang gustung-gusto mo na namang mabuhay.
So, huwag muna. Stop. Basahin ito at ibangon, pasayahin at buhaying muli ang
iyong one and only self. (O baka hindi ikaw ang suicidal pero yun palang mahal
mo sa buhay. Read and share this. You could save someone’s life!)
Basta, masarap mabuhay.
Kung hindi ka nasasarapan, ibahin mo lang ang timpla!
----
More than 90 Ed Lapiz books are available at general and Christian bookstores, CSM Bookstore, Kaloob Bookstore at the Folk Arts Theater and soon, in selected Day By Day churches in the Philippines and abroad.
(02) 551 4411 daybydayoffice@gmail.com




SIKSIK, LIGLIG AT UMAAPAW
Work, Invest, Save, Give Atbp.
Paano ba tayo nagiging maluwag
o prosperous sa buhay?
Makabuluhan ang paksang
ito sa konteksto ng buhay-Pilipino
kung kaya ang daming tumatalakay nito
sa mga business seminars
at pati na rin sa loob ng mga local churches.
“Well, prosperity is really attractive; it is not wrong.
The Lord likes us to be prosperous,”
sabi ni Pastor Ed Lapiz dito sa
Siksik, Liglig at Umaapaw.
Tinatalakay niya dito ang mga subok na daan o ways
tungo sa masaganang buhay-Kristiano.
Bible-based ang mga teachings niya.
Ibang klase ang communication style dito ni Pastor Ed:
Down-to-Earth, nakakaaliw pero sagad sa buto.
Tinamaan ka na nga pero tawang-tawa ka pa rin.
Karamihan sa mga daan na ito ay di na lingid sa atin.
Pero ang malaking challenge ay ipamuhay lagi ito araw-araw
sa tulong ng Diyos.
----
More than 90 Ed Lapiz books are available at general and Christian bookstores, CSM Bookstore, Kaloob Bookstore at the Folk Arts Theater and soon, in selected Day By Day churches in the Philippines and abroad.
(02) 551 4411 daybydayoffice@gmail.com





PITU-PITO
PITU-PITO: Pitong piraso ng pitong
iba’t-ibang dahon ng halaman na ang
pinaglagaan ay kinikilalang gamot sa
halos lahat ng sakit.
Tulad ng legendary herbal medicine, ang
munting librong ito ay PITU-PITO rin! Pitong
hakbang – pitong payo na bawat isa’y binubuo
ng pitong ideya. Kaya lang, hindi para sa mga
physical ailments. Ito ay para sa mga sakit ng
isip, damdamin at espiritu na ang bunga ay
lungkot, panghihina ng loob at pagtamlay
ng buhay.
Bagay ang PITU-PITONG ito sa mga
gustong mas sumaya, mas sumigla at mas
tumapang. Bagay din sa mga gustong
matawa o magpakababaw habang sinusuri
ang mga kung minsa’y malulungkot at
malalalim na isyu ng buhay.
---
More than 90 Ed Lapiz books are available at general and Christian bookstores, CSM Bookstore, Kaloob Bookstore at the Folk Arts Theater and soon, in selected Day By Day churches in the Philippines and abroad.
(02) 551 4411 daybydayoffice@gmail.com










Pastor Ed Lapiz

Why feel guilty for 
- feeling human emotions?
- having human needs?
- being human, just as the Creator made you?
Could Religion or Philosophy that demonizes being human 
really echo the true voice of the Creator?
---
Psalm 139:14-16 (CEV)
14 and I praise you
because of
the wonderful way
you created me.
Everything you do is marvelous!
Of this I have no doubt.
15 Nothing about me
is hidden from you!
I was secretly woven together
deep in the earth below,
16 but with your own eyes
you saw
my body being formed.
Even before I was born,
you had written in your book
everything I would do.






Q - Na-involved po ako sa lalaking may-asawa at anak at madalas ay kami ang magkasama.
Ano po ang magandang gawin pag umuuwi sya asawa nya at ako ay selos na selos?
A -
1. Iumpog mo ang ulo mo sa pader?
2. Maligo ka ng isang drum na ice water?
3. Lumakad kang nakayapak sa baga?
4. Patuka ka sa ahas?
5. Mahiga ka sa langgaman?
ANYTHING para ka MATAUHAN ?!





Q - Why is it that the best was the one that got away?
A -
Only because there was no time to discover the warts??





Q - Saan / Sa alin pong moral issue kayo pinaka conservative?
A - Sa Marital unfaithfulness, sa pagtataksil sa partner. Sobrang sakit sa victim at grabe ang damage sa maraming tao





Q - Hanggang saan at magkano po ang marapat ibayad / isakripisyo para sa tunay na pag-ibig?
A - Kung pareho at magkatumbas na wagas ang pag-ibig at kapwa malaya: Lahat-lahat!
Kung one-way o ikaw lang ang sumisinta, konti lang — gamay ra—- kasi lugi ka!










Q - Ano po kaya ang #1 fear ng isang may asawa?
A -
Makaliwa ni partner?




------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 Maraming “sayang” pero isa sa mga pinaka ay yung wagas na pag-iibigan na naunsyami.

Ed Lapiz - isang tanong isang sagot




Much guilt comes from the difference / the gap between what people believe is right/wrong and what they truthfully, naturally, actually think or do.
To remove needless guilt, 
1. especially that which is borne of mistaken religiosity, correct and calibrate the belief to make it suit natural, unchangeable realities. Kasi baka naman ang guilt ay galing sa maling paniniwala and impossible expectations! Or 
2. 
correct the thought / deed and make conform to the belief
kung tiyak na tama ang paniniwala.






Q - Hindi po ba dapat isabatas ang mga utos ng Diyos so we can defend God and the Truth and punish the ungodly?
A -
IBA-IBA ang pagkakalilala at pagtuturo ng mga tao tungkol sa Diyos?
KANINONG paniniwala, pagkakilala at pagtuturo ang isasabatas para sa LAHAT?
At KAILANGAN ba talaga NG DIYOS ng 
- defender?
- promoter?
- executioner?
Di ba God is almighty!?
At paano kung MALI ang paniniwala ng naghaharing grupo ng mga tao at mali rin ang pagpapairal para sa lahat ng paniniwala nila?
Talaga bang kailangang sa ngalan ng Diyos at para sa Diyos ay tao ang magparusa sa kapwa-taong "nagkakasala"? Di ba yan ay nasa kamay ng Diyos lamang?





Ed Lapiz

We often receive questions about how to deal with other people's "sins", how to "correct" and "discipline" others, etc.
Kailan pa kaya natin mai-internalize ang mga teachings na ito ni Jesus?
Matthew 7:1-5
Contemporary English Version (CEV)
7 Don’t condemn others, and God won’t condemn you. 2 God will be as hard on you as you are on others! He will treat you exactly as you treat them.
3 You can see the speck in your friend’s eye, but you don’t notice the log in your own eye. 4 How can you say, “My friend, let me take the speck out of your eye,” when you don’t see the log in your own eye? 5 You’re nothing but show-offs! First, take the log out of your own eye. Then you can see how to take the speck out of your friend’s eye.
UNAHING IAYOS ANG SARILI BAGO SILIPIN ANG "KAPINTASAN" NG IBA

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
The problem with reunions ---whether family or school reunion--- is that you do not/cannot choose who gets invited.
You end up 
- enjoying "reuniting" with people you have always liked and 
- suffering being irked or annoyed or disturbed AGAIN and AGAIN by people you do not particularly desire to be "reunited" with
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
MISLEADING ang mga "____rd /nth anniversary" ng mga bayan-bayan.
BInibilang lang kasi mula nang officially ay inilista ng mananakop na Kastila o Americano bilang isang "crartered" town or city ang lugar samantalang ang tagal-tagal nang may tao doon bago pa sila sumalta at naki-alam.
Nagmumukha tuloy na nagkaron lang ng sibilisasyon nang dumating sila.
Halimbawa, alangan namang 226 years old lang ang bayan na tinawag ngayong Sta Rosa, Laguna, o ang Maynila ay 446 years old lang! Ang tanda-tanda na ng Maynila bago pa man sumalta ang mga Kastila noong 1571!
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
It is useless to reason out with unreasonable persons.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------






Q- Pano po malalaman kung talagang correct and godly ang isang teaching?
A - Sa effect nito sa nakikinig: nagiging (mas) mabuti, mabait, maibigin, payapa at tiwasay ba sya?




Q - Tito mag open po kaya kayo ng more FB addresses para maaccept nyo ang lahat ng friend requests?
A - 
Hahahahaa! So Tito will open 36 addresses to accept 182K followers/ requests at 5k maximum friends per address? 
Nakaka PM naman pamangkin! Let’s be happy with that. At marami ring followers ang unhappy pag ang daming comments ang friends! Eh siempre more friends = more comment

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Jeremiah 13:23 (CEV)
23 ... Can people change the color of their skin,
or can a leopard remove its spots?
--- 
Is it CORRECT, REALISTIC and KIND to expect change in people's in-born nature just because they undergo a spiritual experience or just because they joined certain religious communities?
Can / Should in-born, God-designed, natural personhood be changed through religious conversion /membership?



-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

http://ho.lazada.co.id/SHZF07













Friday, 12 January 2018

Ed Lapiz

Q - Saan / Sa alin pong moral issue kayo pinaka conservative?
A - Sa Marital unfaithfulness, sa pagtataksil sa partner. Sobrang sakit sa victim at grabe ang damage sa maraming tao.



Q - Hanggang saan at magkano po ang marapat ibayad / isakripisyo para sa tunay na pag-ibig?
A - Kung pareho at magkatumbas na wagas ang pag-ibig at kapwa malaya: Lahat-lahat!
Kung one-way o ikaw lang ang sumisinta, konti lang — gamay ra—- kasi lugi ka!




-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Maraming “sayang” pero isa sa mga pinaka ay yung wagas na pag-iibigan na naunsyami.




Unclutter:
Yang mga libro sa shelves mo,
kung hindi mo naman binabasa o hindi mo na talaga babasahin, ipamigay o ibenta mo na.



Unclutter:
Yang mga damit na matagal mo nang hindi ginagamit at malamang ay di na gagamitin pa: IPAMIGAY 


M
Maraming bagay sa cabinets / bodega na hindi mo naman ginagamit pero kailangan ng iba.
IPAMIGAY NA!

---------------------------------------------------------------



Wag pintasan ang anumang pagkain o inuming nakahain, lalu na kung kakainin din naman.


Wag pintasan ang pagkaing nakahain sa yo! 
Lalu kung kakainin din naman.
Pano kung magdamdam yan?! 

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------




SIKSIK, LIGLIG AT UMAAPAW
Work, Invest, Save, Give Atbp.
Paano ba tayo nagiging maluwag
o prosperous sa buhay?
Makabuluhan ang paksang
ito sa konteksto ng buhay-Pilipino
kung kaya ang daming tumatalakay nito
sa mga business seminars
at pati na rin sa loob ng mga local churches.
“Well, prosperity is really attractive; it is not wrong.
The Lord likes us to be prosperous,”
sabi ni Pastor Ed Lapiz dito sa
Siksik, Liglig at Umaapaw.
Tinatalakay niya dito ang mga subok na daan o ways
tungo sa masaganang buhay-Kristiano.
Bible-based ang mga teachings niya.
Ibang klase ang communication style dito ni Pastor Ed:
Down-to-Earth, nakakaaliw pero sagad sa buto.
Tinamaan ka na nga pero tawang-tawa ka pa rin.
Karamihan sa mga daan na ito ay di na lingid sa atin.
Pero ang malaking challenge ay ipamuhay lagi ito araw-araw
sa tulong ng Diyos.
----
More than 90 Ed Lapiz books are available at general and Christian bookstores, CSM Bookstore, Kaloob Bookstore at the Folk Arts Theater and soon, in selected Day By Day churches in the Philippines and abroad.
(02) 551 4411 daybydayoffice@gmail.com

Ed Lapiz

Q - Why is it that the best was the one that got away?
A -
Only because there was no time to discover the warts?? 

















  

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------






Sa pagdating ng bawat gabi,
wag sabihing 
"Haaay isang araw/dahon na naman ang nalagas sa tangkay ng panahon."
Sa halip, sabihing 
"Wow! Isang araw/dahon na naman ang nadagdag sa buhay! 
Parami nang parami ang mga dahol!"
Wag kasing ihambing ang buhay sa Autumn Leaves.
Bawas-bawasan Temperate-Zone drama.




-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
PITU-PITO
PITU-PITO: Pitong piraso ng pitong
iba’t-ibang dahon ng halaman na ang
pinaglagaan ay kinikilalang gamot sa
halos lahat ng sakit.
Tulad ng legendary herbal medicine, ang
munting librong ito ay PITU-PITO rin! Pitong
hakbang – pitong payo na bawat isa’y binubuo
ng pitong ideya. Kaya lang, hindi para sa mga
physical ailments. Ito ay para sa mga sakit ng
isip, damdamin at espiritu na ang bunga ay
lungkot, panghihina ng loob at pagtamlay
ng buhay.
Bagay ang PITU-PITONG ito sa mga
gustong mas sumaya, mas sumigla at mas
tumapang. Bagay din sa mga gustong
matawa o magpakababaw habang sinusuri
ang mga kung minsa’y malulungkot at
malalalim na isyu ng buhay.
---
More than 90 Ed Lapiz books are available at general and Christian bookstores, CSM Bookstore, Kaloob Bookstore at the Folk Arts Theater and soon, in selected Day By Day churches in the Philippines and abroad.
(02) 551 4411 daybydayoffice@gmail.com



----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------