Q - Hindi po kami kasal ng partner ko. Naglilingkod po kami sa ministry sa church namin. Ang mga makasalanan po bang tulad namin ay di dapat magamit sa gawain ng Lord ?
A -
Makasalan ang lahat ng tao. Iba-iba lang ang anyo ng kasalanan.
Ano ang mas mabuti,
1. makasalanang naglilingkod o makasalanang hindi naglilingkod?
2. makasalanang nasa ministry at lagi tuloy nafi-feed ng godliness (Kaya puedeng magbago) o makasalang wala sa ministry at hindi tuloy nafi-feed lagi ng godliness (at lalung humihirap mapagbago)?
Sino ba ang walang kasalanan?
Kung yun lang sinless ang puedeng maglingkod, eh di wala ni isa mang qualified?
Lahat ay makasalanan, Wala ni isang matuwid at malinis. (Bible na ang may sabi nyan.)
At kung lahat ay makasalanan, may mga uri ba ng kasalanang hindi puede sa paglilingkod ? Alin yun? At mayron bang uri ng kasalanang puede sa paglilingkod? Alin yun? At sino ang magsasabi kung sino ang makasalanang puedeng maglingkod at sino ang hindi puede?
No comments:
Post a Comment