Sunday, 2 October 2016

Ed Lapiz Facebook Timeline

Huwag kontrahin ang taong lagnat na lagnat sa kanyang passion.
At best, it could bear great fruits.
Kundiman, LILIPAS din yun.


Huwag magyabang kung papataas; kasi papataas ka pa LANG.
Lalung huwag magyabang kung nasa pinakataas ka ngayon
kasi ang kasunod na nyan ay pagbaba.
AFTER THE HIGH NOON FOLLOWS THE AFTERNOON.



Habang papataas ang araw at papalapit sa pinakamataas na punto sa langit
ay papalapit na rin ito sa pagbaba at paglubog.


Q - Tito do u believe sa blessings o mga paghagis ng barya,etc when u open business for the very first time? Pra daw po swertihin ang negosyo tlga? Kasi wla ako idea sa ganun.
A -
No big deal. Makisakay na lang. wala namang masama. Pampasaya
:-)



Ed Lapiz
October 3, 2014 ·
Q -I feel so low.. I know I dont have the right to question God, I know all His plans are for us to be better. I know all the temptations are only to strengthen us, and He will not give us a test or temptation that we cannot handle and get over with.. I know that when we are becoming closer to Him, using our body, talent, everything we have are for His glory then satan will be like lion hunting us to stop. I know that, pero parang ngaun, naiisip ko, parang ayoko nlng maging active sa church, parang ayoko nlng magpagamit sa church for God's glory, kase as I assess myself, when test comes, I fail to be strong. I know that it should be learned as a test to be stronger. Nung youth ako naging active ako then temptation comes, I fail to over come it. Tpos nung bumalik nako ngaun mas mature nako, temptation came and I fail again. Ngaun, kung kelan mas marami nakong narinig na teaching about temptation na dapat I-over come after maging mas malapit sa Diyos, or nagpapagamit sa ministry, ngaun I am asking God, why does He have to give me these temptations that I cannot win over, I am weak when it comes to choosing whom to love, and yet all the test that He is giving me is about that. I know I should not question Him, but I am being eaten by this situation. I need someone to talk to pastor, but I am pushing everyone who attempts to. Why God has to give me a test that He knows I am failing? Is it to make me strong and eventually over come it? I cried to Him and asked Him why.. am I sinning again for this? Im feeling that He is disappointed to me and turn His back on me, but I know, I am the one turning my back on Him, that He is just waiting for me to call Him and come back to Him. Mababaliw nako pastor..

A -
Most of our impressions and assumtions about God are manufactured by preachers, teachers and the church out of what was taught them by traditional theology. You need to question those assumptions, like the ones you enumerated here. God is good, kind, understanding and forgiving --- and no theologizing should hide or contradict that basic truth.
Just keep doing good, serving him in the process. Do not hate yourself when you fall; God still loves you no matter what. Just do your best. That should be good enough. No one is perfect. Do not allow other people's interpretations of scripture and notions about God make you always feel guilty and undeserving of God's kindness.



Q - Dearest Pastor Ed, Greetings! It has been almost two years when I ask your opinion about my plans of __________. (I am not sure Pastor if you still remember me).
I ...sent you a message about my struggles (in my profession) and challenges in (my life) .
I would like to express my appreciation for the advice and the enlightenment that you gave to me when I was making my decision. I am happy to inform you that I am now (in a situation where I could only be thankful to God as I am quite satisfied and happy.)
*
I believe it is time for me to give back and to share the blessings that I am continuously receiving. In this regard, I would like to know how I could send (funds) to your church for my tithe/donation. May I ask if your church has a bank account where I can send money? I still have immediate family in the Philippines whom I can ask to do the bank transaction for me. Kindly send me the bank name and the account information so that I can proceed with the transaction.
*
Pastor Ed, more than words can say but you are really a blessing to me. There are times that I am getting out of tract with my priorities in life and there are also times that I struggle in understanding and fulfilling my purpose in life. However, every time I am on that situation, your inspirational videos and preaching in YouTube are my guidance in making decisions.
*
Please also include me in your prayers that I may be able to find my future wife. I am turning 35 this year. I know in my heart that one thing which will complement my life is to have a prudent wife and to raise my own family. I really believe on Proverbs 19:14 in the bible (A man can inherit a house and money from his parents, but only the Lord can give him a sensible wife) however, I am praying that I could find her soon. I am not getting younger anymore and as much as possible I want to build my family while I am still at the prime of my health and career so that I can provide their needs properly. More power to you and I am praying that God will to give you good health so that you can continue you mission in life. Thank you very much. I am hoping for your kind response.
A –
Dear Pamangkin D______,
Congratulations on attaining your goal. It is a great delight to know how you have fared in the past two yearssince we last PMd.
So much had happened!
*
Concerning your question about Day By Day's bank account, thank you for considering supporting the ministry. I shall look for our church's bank accounts and post the details here soonest.[ANGELS....PLS POST ANSWER!]
*
CONCERNING YOUR SEARCH FOR A GOD-GIVEN WIFE,
Do all practical things to increase your chances at meeting that wonderful lady.
Socialize more.
Ask concerned persons to look out for you and make "recommendations". :-).
Do keep me posted. Stay blessed!
-
PSGusto mo ba post tayo dito sa wall ko for those ladies to know about you? Maraming ladies are also praying for a God-given partner . :-)
* O narito na ang sagot ng angels:Manolet Concepcion Donations may be deposited at the following Day By Day accounts:
»Bank of the Philippine Islands
Vito Cruz Branch
Account name:
Day By Day Christian Ministries Inc.
Savings Account No.
3133-3337-96
»Metrobank Roxas Boulevard,
Vito Cruz Branch
Account name: DBD Christian Ministry
Current Account No.:
640-3-64004055-7
»Bank of Commerce Padre
Faura Branch
Account name: Day By Day Christian Ministries Inc.
Savings Account No.
100-00-000621-6
»Banco de Oro
SM Mall of Asia Branch
Account name: Day By Day Christian Ministries Inc.
Savings Account No.
2370055495
»Philippine National Bank
Macapagal Avenue Branch
Account name: Day By Day Christian Ministries
Account No.
3833-84000011
»Union Bank
Kamias Branch
Account name: Day By Day Christian Ministries
Current Account No.
048030001118




Most of the time, it seems that it's a case of
"IT'S NOT WHAT I SAID; IT'S WHAT YOU THOUGHT I SAID."
Or worse,
"IT'S WHAT YOU WANT TO SAY I SAID."







Any skilled communicator, especially the one with malice, could easily manipulate the interpretation of his words.
It is mainly because his verbal pronouncements are usually extemporaneous, spewed from raw emotional reactions to unintended or calculated provocations and obviously not pre-crafted by handlers for engineered effect.




His seeming lack of verbal eloquence and refinement gives his detractors much space to twist and distort the interpretation and implication of his statements.



It is observatble that most of the time, his statements are
- taken out of context,
- twisted to arouse anger against him and
- over sensationalized.
It seems that he is not really that verbally eloquent that what he says could be colored in many different shades depending on the agenda or malice of the ones interpreting him.





Q - Bakit po kaya may mga taong hindi makuntento sa isang lover-partner?
A -
Baka sobrang lawak ng isip at laki ng puso o dami ng needs na hindi tuloy kayang punuin ng isang tao lamang???



Q - Ang tagal na pong walang balita from my relatives. Worried tuloy ako.
A -
No news is good news.
Pag mabuti ang kalakaran ng buhay, people forget you.
Pag may masamang pangyayari, lalu pag kailangan ng tulong,
people will surely remember you.
Hahanapin ka nila kahit sa dulo ng mundo.
Bad news, especially their need for money, will have a way of finding you.




Q - Nakakasawa na po ang maraming manliligaw / lalaki na puro lang ang maganda kong face or skin or figure at iba pang panlabas na anyo ang laging pinupuri.
A -
Subukan mong magpaligaw sa mga x ray and ultrasound technicians;
baka mapuri nila ang iyong pancreas or small intestines?




Kung ibig mong mas marami ang makadalo sa party mo, sabihin mong
1. Bawal magdala ng regalo.
2. Puedeng suot kahit ano.
3. Puedeng magsama ng gustong isama.
(Maraming tao ay takot dumalo kasi baka wala silang kilala o makausap.)




Ang media ay
- negosyo at
- propaganda tool ng may-ari nito.
SInuhin ang may-ari at nasa likod ng
- slant
- editorializing and
- bias
of print or broadcast media.
Manuri.
Piliin at salain ang lululunin.



Kung ang basehan ng "alam" at opinion ay yun lang nababasa, nadirinig o napapanood sa mainstream media,
magdahan-dahan sa pagbuo ng paninindigan.
Baka nadadala at nabibiktima ka lang ng vested interest ng mga
producers or owners of those media outfits.




Style:
Pag hindi mo ma-attack ang isang tao sa tama nyang ginagawa,
1. Pagmukhain mong mali ang ginagagawa nya. O
2.Butasan / Hanapan mo ng maling detail ang overall tama nyang ginagawa. O
3. Palabuin mo ang isyu: maghanap at maglabas ka ng ibang problema. O
4. Palawakin at palakihin mo ang sunog; maghanap ka ng mga puedeng masulsulan para magalit, hindi dahil sa main issue kundi dahil sa mga isinali mong ibang issues. O
5. Takpan ang tunay ng issue ng malalawak at matatayog ng salita tulad ng
- Human Rights
- Women's Rights
- Democracy
- Freedom
- at ibat-ibang ISMs.
Tiyak may mga maaapektuhan at kakampi at sasama sa gierra mo.




"HUMAN RIGHTS"
could very well be clarified as
Human Group A's Rights vs. Human Group B's Rights
A human right stops being
- right
- a right
the moment it fringes upon another human being's rights.




Kung may ginagawang maganda ang isang tao pero may galit ka sa kanya,
1. Pinasasama mo ba ang maganda nyang gawa? O
2. Binabale-wala mo ba ang maganda nyang ginagawa at
NAGHAHANAP KA NG IBANG MAIPIPINTAS O MAIUUSIG sa kanya?



In any system or method in our imperfect world, it is inevitable that some persons or groups would fall in the cracks.
One only needs to decide WHO or WHAT TYPES could/would be allowed to be disadvantaged.




Every situation, project, method, etc has advantages and disadvantages.
One only needs to decide
- what advantage she really can't live without or
- what disadvantage he cannot afford.
For instance, in the government's war vs drugs,
1. What advantage does/will it give that we cannot live without?
2. What disadvantage does/will it give that we cannot afford
as a NATION and not as individuals, families, societies or political parties?




Q - Nakakatamad pong kausap ang mga kasama ko sa bahay.
Ambababaw at walang kalatuy-latuy ang mga sinasabi.
A -
Eh di minimize your conversation with them?
And when you must, consider it an act of charity?
Bumawi ka na lang by having meaningful and enjoyable conversations with other people?




Q - Ano po ang gagawin sa taong kung makipag-usap ay ang lapit-lapit ng mukha nya sa mukha ko at halus makagat na nya ako?
A -
Umatras ka?
Lumayu-layo.
Pag nagpilit pa ring sumugod,
sabihan mong lumayu-layo kasi nagiging far sighted ka?



Q - Kung may sakit po ako at may nagbigay ng perang pampagamot tapos bigla po akong gumaling nang may natira pang pera/balance, dapat ko po bang ibalik sa nagbigay?
A -
Magandang ibalik mo.
Kung talagang gusto nyang ibigay ulit yung sobra,
ibibigay naman nya.
Pogi points pa para sa yo!




Q - Nakakapagod pong kasama ang sobrang matatalino!
A -
Sabi naman ng iba, nakapapagod din daw kasama ang mga sobrang ____ ! :-)



Q - Tito Ed ....😊 tanong lang po kung ano po ba dapat pagusapan sa pamamanhikan in a modern christian way? Ano po mga dos and donts? Hehehe sa saturday na po pamamanhikan namin.
Salamat po at mabuhay ka Tito Ed! 😊
A -
Pamamanhikan is a formality. Pagtatagpo ng 2 pamilya. Noong araw pag menor de edad at dependents ang ikakasal, pinag-uusapan ng matatanda ang details ng kasalan, usually with demands from the side of the girl.
Sa ngayon, especially kung nasa edad na ang ikakasal at hindi na dependents (like sila ang gagasta sa kasalan),
hindi na pinag-uuspaan ang details. Yun nang lalake at babaing ikakasal ang bahala sa details. The pamamanhikan just becomes a formal meeting of the two families. Mga pleasant topics na lang ang pinag-uusapan.





Ang paghahanda at pag-iipon para sa mga gastos pag nagkasakit ay sa panahon BAGO magkasakit.




Q - Ang hirap naman pong umasenso kahit konti lang pag nag-iisa kang productive sa angkan nyo at halos lahat ay umaasa sa yo?
At mas mabigat pa sa loob, yung mga manghihingi ay wala namang nagawang mabuti sa yo. Tapos parang may patago?
A -
Wagas. :-)
Isang pasalamat: Productive ka at hindi pabigat




MAGPAKA-TAO
Never acquire somebody's cp number from unauthorized sources.
Never give someone's number to another person.
Kung gusto kang ka-text, ibibigay sa yo ang number nya.
Pag wala kang number nya...lam mo na!




Q - Ano po ang isang powerful secret ng successful business?
A -
Always give the customer maximum satisfaction.




Sa mga sobrang TAGUMPAY, suriin: may mga tatlo hanggang limang TAMA kayong sunud-sunod na ginawa.
Sa mga sobrang BIGO. suriin: may mga tatlo hanggang limang MALI kayong sunud-sunod na ginawa.
HINDI NAMAN BASTA-BASTA DUMADAPO ANG TAGUMPAY O KABIGUAN.




Hindi ganun-ganun lang kung dumating ang luwalhati o isang tagumpay sa buhay.
Madalas na ito ay bunga ng mga tatlo hanggang limang sunud-sunod at konektadong mga pangyayari / pagpapagal o paggawa ng tama.



Kailan ba matatawag na ang isang tao ay biktima ng kasawian
at kailan maituturing na sya mismo ang may likha at promotor nito?




May mga taong ang buhay ay naglalandas patungo sa kasaganaan at kapahingahan habang may mga kasabay silang kapwa manlalakbay na ang buhay ay naglalandas patungo sa kahirapan at kapaguran.
SAAN nagsasanga at naghihiwalay ang mga landas nila?
ANO ang pangunahing dahilan ng paghihiwalay ng mga landas?
PAANO mahahalata na ang landas na tinatahak ay patungo dito o doon?
ANO ang maaaring gawin upang matahak at malandas ang daang masagana at maginahawa?




Many people are so polite they do not want to leave any texts unanswered, especially those from people they consider to be their seniors or superiors.
Wala tuloy katapusan ang palitan ng texts.
THERE ARE TEXTS THAT ARE BETTER LEFT UNANSWERED, especially kung understood na o ceremonnial lang ang sagot.




Q - Proper po bang lahat ng "thank you" sa text ay sagutin din ng "you are welcome"?
A -
Generally yes.
But very busy people, who consider reading texts ---or ONE MORE text--- a chore, find it cumbersome to read a series of texts.
Pag sila ang nag-"thank you",
they appreciate not having to read another answer/ text from you saying "you are welcome".




Maraming empleado ang hindi gumagawa ng pinakatama kasi they are not empowered by the system/ their superiors to use their brains and solve problems.
They are not given the opportunity to make decisions that could placate / soothe / satisfy / please the customer.
The employees' concerns are
- to not break company rules / policy. .: Huwag mapagalitan.
- to please their corporate superiors, not the client.
They forget that CUSTOMER, not the supervisor, IS KING




10.55am.
Pumapasok ako sa isang resto sa Bonifacio GCity for a lunch-meeting.
Several waiters were sprawled on various seats.
One Waiter: "Ser, di pa po pwedeng pumasok. Eleven pa po kami magbubukas."
EL: "Huh!? Eh 1055 na! At bukas na talaga kayo.Alangan namang lumabas pa ko at pumasok ulit 5 minutes later?"
Waiter: "Wala pa po ang supervisor namin. Di pa po pwedeng magpaupo."
EL: "Dala ba ng supervisor nyo ang upuan?"
Waiter: "Hindi pa po talaga pwedeng pumasok."
*
Knowing the futility of reasoning under such circumstances, I marched out and proceeded to the other resto next door which gladly welcomed my business.





2 Important Ingredients of Envy:
1. The other person is strong (or perceived to be).
2. You are weak.



Q - Ano po ang magandang gawin sa memorial services para sa mga sumakabilang-buhay?
A -
Ayoko ng marami at mahahabang formal memorial services kung saan
- alam mo na ang laman ng paulit-ulti lang namang messages / sermons twing may memorial service.
- OA ang pagpuri sa dear departed na mukha nang propaganda-press con ang event.
- ang dami at ang hahaba ng mga video / visual presentations on the life of the dear departed.
- nae-emphasize ang drama at lungkot.
- hindi magapag-usap at makapag-interact ang mga tao kasi nga mahaba ang formal Service.
GUSTO ko,
- Informal lang ang event, except for a few well-placed "formal" services.
- Less than 30-40 minutes lang ang anumang formal memorial service para maraming oras magkwentuhan at mag-interact ang mga tao. Mas nakaka-destress at nakakapagpaluwag ng dibdib ang ganitong gawain.
Dapat yung mga dumarating, lalu na yung walang maraming oras to stay, ay makalapit agad sa coffin / ashes, sa mga bereaved, etc at hindi maimbak sa may likuran kasi may mahabang program na nagaganap nang dumating sila.
(And besides, hindi lahat ng pupunta sa lamay ay may kaparehong religious sensibilities.)
NAKAKADALA AT HINDI ENJOYABLE ang mahahabang memorial services. Tuloy, maraming tao na itinataon ang dalaw nila before or after the formal memorial service.





Q - Sa congregation po namin, madalas na pastors' wives ang mga wagas na alagad ng chismis. Kasi po sila ang may access to information known to their pastor-husbands at sila rin ang leaders ng maraming ministries, especially women's ministries.
Paano po kaya maiiwasan o masusugpo ang ganito?
A -
1. Huwag pag-asawahin ang mga pastor? :-) (Kaya lang baka magkaron ng himagsikan?)
2. Huwag bigyan ng leadership ministries ang pastors' wives?
(Another himagsikan?)
Make the pastors' wives stay at home?
Yun ang ministry nila: to be wives and home makers to their own husbands and not join their pastor-husbands in their public ministries.
(Kaya lang, maraming mahusay na pastors' wives and masasayang?)





Q - Bakit po kaya talamak ang chismis sa church namin?
A-
1. Marami lang talagang chismosa?
2. Marami kayong "family" events and other "fellowships" kung saan nagiging "close" kayo sa isat-isa.
Result: nagkaka-alaman ng mga isto-istorya na nag-i-inspire sa pagsilang ng maraming chismisan?
THE
- MORE FELLOWSHIPS
- "CLOSER" THE RELATIONSHIPS,
THE MORE CHISMISAN!




"Speak YOUR truth quietly and clearly..."
Just say what you want to say ---
post what you want to post ---
without having to explicitly challenge, oppose or refer to other ideas /posts / "truths".




BAD THINGS HAPPEN TO GOOD PEOPLE?
Q – Why can some very terrible “accidents”,
grave illnesses, horrible crimes, tragic deaths, etc happen to or against very godly, good and kind people, even morally upright religious leaders?
Why doesn’t God intervene to prevent such things from happening?
A -
The purest law of God is the law of nature.
God created nature and ordained natural laws to govern it.
Natural Law is above all man-made laws, including religious and moral law ---
all of which came much much later than Creation.
And one of Natural Law’s most basic principles is Cause and Effect.
Morality and religiosity, even righteousness or rightness,
exempt no one from natural law especially the rule of Cause and Effect.
If “terrible” things happen, there are causes that make them happen.
The morality of the persons involve does not ---cannot ---alter the outcome of natural cause and effect. For instance, even a 'holy man" could fall off a cliff because of the Law of Gravity.
Meanwhile,when natural law is bypassed, overruled or aborted, like when the natural and automatic “effect” is suppressed despite the “cause”,
that is called by believers as miracle.
A miracle is a suspension, bypassing, or superseding / cancellation of Natural Law for the sake of a beneficiary.
However, the Author of Natural Law should not always be expected to suspend it to accommodate various, sometimes even conflicting, individual or personal human agenda.




People who debate on religious issues do so NOT TO CONVERT each other as they both know that it would be impossible; they argue to win, not to lose and much less get converted.
They debate TO CONVERT their gullible and impressionable audiences who could get taken by an impressive theatrical performance.



MGA BASEHAN NG
- panunuri
- paghusga kung tama o mali, mabuti o masama
- paggusto o pag-ayaw
- pagpanig o pagsalungat / pagkampi o paglaban
SA IBANG TAO:
1. Known facts / Ang alam = Knowledge
2. Unknown facts = Ignorance
3. Standards subscribed to / Batayan ng tama o mali, mabuti o masama
4. Personal values, beliefs and aspirations, vested interest,
relations
5. Bias
6. Gut feel / Pakiramdam / Kutob
7. Posisyon o paninindigan ng mga taong malapit / mahalaga sa nanunuri.
8. Popular Opinion
MUNUNURI, SURIIN ANG
- PANUNURI.
- SARILI.



Q - Tito pls pray for me. May mental illness yata ako?!
A -
Relax pamangkin.
Lahat yata ng tao ay may mental illness hahahahah!
Iba-iba lang ng
- degress / levels
- anyo
- schedules / seasons.



(Tula ng isang makatang pamangkin na mukhang may hugot!? :-)
SA IYO NA DOKTRINA MO!
Sa iyo na doktrina mo
Kung makasigaw ka naman sa tao.
parang kang walang respeto.
Nilalamon mo pati ang kanyang pagkatao.
Sa iyo na doktrina mo
Kung may humingi naman ng tulong sa yo.
Nakita mo nang nanghihingalo.
Pinagiisipan mo pa kung tutulong ka dito.
Sa iyo na doktrina mo
Kung manapak ka naman ng asawa mo
Dahil ayon sa doktrina mo
Ang babae ay dapat magpasakop sa 'yo.
Sa iyo na ang doktrina mo
Kung gagamit ka lang ng karahasan
Para lamang mapatunayan
Na tama ang doktrina mo kahit may masasaktan.
Sa iyo na doktrina mo.
Kung ito'y pinipilit mo.
Na dapat paniwalaan ko.
Kasi ito ang gusto mo.
Sa iyo na doktrina mo.
Kung tingin mo superior ito.
Tinanong mo na ba sarili mo.
Kung pagmamahal meron sa iyo?
Sa iyo na doktrina mo.
Kung pagmamahal sa kapwa wala sa iyo.
Nakikipagaway ka pa ng todo todo.
Kasi alam mo tama doktrina mo.
SA IYO NA DOKTRINA MO!





Q - May gainful employment po ako pero hinikayat ako ng mga tao sa church namin na mag-fulltime sa ministry. Nahahati po ang loob ko.
A -
Hati pala ang loob mo, eh di keep your gainful employment and be a church volunteer worker!
Kaya naman yun.
Bihirang church work ang nangangailangan ng fulltime focus,
unless you were the office clerk that does administrative work.
Ang dami-daming free / idle time na maraming "fulltime" workers, believe Tito hahahahah!




Q - Ano po ang time (kung meron man) na hindi bastos ang pagwo-walk out...?
at kainlan naman po na ito bastos na gawin ng isang tao...?
A -
Laging kabastusan ang mag-walk out !
hahahahah!
Unless your core values are being assaulted in malicious, shameless and cruel ways.





Q - Paano ko po malalaman na called ako into full-time ministry?
A -
1. You have an internal conviction.
Hindi iba ang nagsasabi o kumukumbinsi sa yo.
You don't get manipulated or pressured by others who want you to do it.
2. You are gifted and skilled.
3. People love your ministration.
4. Doors open for you.
5. You heave great peace of mind about it.



Q - Mayron po ba kayong political color?
A -
Av Kors, pamangkin!
Matter occupies space, has weight and ----- political color!
And Tito is matter --- plus a concerned citizen of a very political country!
Hahahahahahahah!



WORRIED ka ba
- tungkol sa pagtanda, paghina ng katawan at kamatayan?
- na maghirap o mawalan ng pera?
- na mawala ang mahal mo sa buhay dahil baka maagaw ng iba?
- na mamatayan ng loved-ones?
- na magkasakit ka ng malubha?
- na mabigo?
- na mahirapan ng sobra?
- tungkol dito a doong mga takot?

If yes, magtigil ka!

Bawat isa sa pitong bilyong tao sa planeta at lahat ng mga nauna na sa ating mabuhay at mamatay---liban na lang sa sobra pang bata o baliw---ay may ganyang worries. Kaya hindi ka unique. Hindi ka nag-iisa. Bawat kilala mong tao may ganyang worries.

Wala rin namang nakalulutas ng worries na yan. Wala ring nakaka-solve kahit pa nga kung anu-anong pagpapayaman, pag-iimpok, pagpapalakas, atbp ang pilit ginagawa.

Wag ka na lang mag-worry. Ipasa-Diyos mo ang lahat. SYA! may magagawa! :-)

Ikaw? Enjoy life when alive and die when your time comes. Enjoy people when they are around and adjust when they are taken away. Enjoy what you have and be thankful when they are taken back by the Lender.
Don't worry.
Don't problematize life.

Ganun lang yun.






Q - Bakit po may mga posts kayo na non-religious ang themes?
A -
Why not?
May (mas) totoong buhay pa sa labas ng apat na pader ng simbahan, pamangkin! :-)
Mayrong Heaven on Earth
at
mayron ding Hell on Earth.
Lahat ng yan ---kasama na ang other-world / kabilang buhay ---
ay marapat pag-isipan. :-)
TUMUNTONG KA SA LUPA, PAMANGKIN.
Tao ka pa lang, hindi ka pa kerubin.




Q - Di po ba dapat "You should not be unequally yoked with unbelievers?"
A -
1. Ano ang ibig sabihin ng UNbeliever? Pag ba naniniwala sa God pero iba ang religion / religious denomination / sect ay UNbeliever na nga?
SINO ang UNbeliever?
2.
Paano mo malalaman na IKAW ang believer at yung IBA ang UNbeliever?




Q - Sobra-sobra po kaming nagmamahalan ng BF ko and we are really happy with each other. Pero magkaaway na mortal ang religions ng respective families namin.
Will we give up each other because of the opposing religious beliefs?
Baka po hindi na kami makakita ng true love na ganito!
A -
Your religious issues are BELIEFS, NOT KNOWLEDGE.
Hindi nyo naman talaga alam/ sure kung sino sa inyo ang tama o kung pareho bang tama o parehong mali ang religious beliefs nyo.
Faith kasi yan.
Meanwhile,
that you love each other very much,
that you are happy together,
THAT IS KNOWLEDGE.
Alam nyo talaga.
If I were the two of you,
I would seek personal/ private spirituality ---magkahiwalay ng religious practice if needed --- pero ise-save at itutuloy ko ang maganda nyong personal relationship. Yan ay kung kaya nyong i-handle ang ganyang difference.
Madaling humanap at sumali sa religion ----
(And no one is really sure na sila nga nag tama at mali nga yung iba.
Kanya-kanyang paniniwala yan sa kanya-kanyang relihiyon! )
---- pero mahirap magkaron ng true and beautiful love. :-)
Ganun din sa friendships.
Huwag makipagkasira sa kaibigan dahil lang nagsanga at nagkahiwalay ang inyong religious memberships!
(Pareho lang namang nagpipilit ang inyu-inyong religions na sila ang tama at mali ang iba. Who could really know?
Kahit nga sa mga nagsasabing naniniwala sila sa identical scriptures, iba-iba pa rin ang interpretations and applications nila.)
SAYANG ANG LOVE, ANG FRIENDSHIP kung babale-walain dahil sa myopic / narrow religious sentiments.




Huwag na huwag pintasan ang sariling asawa sa harap ng pamilya / mga kamag-anak nya.
They will hate you!




Q - Ang BF ko po hindi marunong kumain ng good foods. Lumaki po kasi na halos wala silang makain dahil sobrang poor. Hindi po nadevelop ang culinary taste! What a problem!! Heeeeeelp!
A -
1. Tanggapin mo sya ng buo, kasama na ang taste nya for food.
2. Turuan mo unti-unti to appreciate a variety of foods.
Turuan mo rin ang sarili mo to appreciate his kind of food.
3. Let him eat what he likes and you eat what you like!
Bigayan kayo when you eat together.
Minsan dun sa gusto nya.
Minsan sa gusto mo.
Hwag mo problemahin yan.
At least my BF ka




Q - What is a good gift to celebrity friends and relatives?
A -
Privacy, peace and anonymity.
Do not make them "perform" as celebrities in your private gatherings.
Enough of the nonstop kuhanan ng pictures!
Let them relax, be at ease, and have a good, private time




"Love is like holding a handful of sand;
squeeze tightly and it slides out through your fingers;
relax and it stays."



Q - Paano po makakaiwas sa (romantic) heart ache ?
A -
Kung
- ayaw sa yo
- di ka masyadong gusto
EH DI WAG!



Q - Ano po ang magandang gawin kung laging ako ang nakikiusap sa BF ko na bigyan ako ng time?
A -
TURN THE TABLE, pamangkin!
Baligtarin mo ang mundo.
GET SCARCE!
MAWALA KA, MAGLAHO, MAGTAGO.
Pag hinahanap ka, hinabul-habol at pinagmakaawaang makasama nya,
pagbigyan mo. :-) He is worth it.
Pero pag wa-epek ang drama mo --- hindi ka hinanap-hanap,
inasam-asam, hinabul-habol, etc --- lam mo na!
(Kumanta ng Leron Leron Sinta!)




Kasuyang kasama yung laging dapat panalo:
yung laging dapat MAS
- mayaman ang tita nya sa tita mo
- maganda ang anak nya sa anak mo
- matalino ang apo nya sa apo mo
- matalino sya kesa sa yo
atbp



Nakakapagod at nakasasawang kasama yung laging may
- pintas
- better idea
- last say.




Stay away from complainers and fault finders: papangit lang ang paningin mo sa mundo.




Never travel with a complainer or a fault finder.
Mabubwisit lang ang trip mo.




Q - Tito what is the best way to enjoy free time/ a whole day?
A -
Go where you want to go -
Do what you want to do - ALONE!
Mahirap mag-enjoy nang may kasamang
- only half interested.
- kailangang i-entertain o pakiramdaman.
- nagmamadali o nabo-bore.
Kung may isasama, tiyaking vibes talaga kayo ---
yung makaka-enhance sya sa experience,
hindi pabigat.




ONE of the most
- effective
- time-saving
- economical
- enjoyable
- touching
singular activities that could
- inform
- educate
- instruct
- broaden one's mind
- inspire:
WATCHING A REALLY GOOD FILM




No comments:

Post a Comment