Friday, 28 April 2017

Q -Sabi ng pastor namin kapag sunday service niya lang daw nakikita ang isang member of our church questionable daw ang pagiging kristiyano nito. tama po ba yun?



Q -Sabi ng pastor namin kapag sunday service niya lang daw nakikita ang isang member of our church questionable daw ang pagiging kristiyano nito. tama po ba yun?
A - Nge!
Sa dalas pala ng pagkikita nasusukat ang tunay na pananalig?
Pano naman kung sobrang abala sa hanap-buhay o pag-aaral o pagpapamilya ang isang tao? Dumarating naman ang ganoong seasons sa buhay. Huwag lang nga sana habang-panahon ganun na lang na pag sunday lang available.
Yung iba nga, dahil sa ng crisis sa buhay, heroic effort na para madalo kahit once a week lang.

Friday, 14 April 2017

WALA NANG KASAL!

WALA NANG KASAL!
Q - How can I tell my family na wala ng kasal. 
Dahil nakabuntis siya ng iba. 
LDR kami at sad to say hindi namin napagtagumpayan. 
I have to heal without my family knowing it yet because hindi ko pa kayang sabihin. 
Ito na ata ang pinakamasakit na pwedeng pagdaanan ng isang babae.
A -
TELL YOUR FAMILY.
Now, more than ever, helpful sa yo ang support nila.
Wag mo nang ingatan ang image ni lalake. Total, nagtaksil sya sa yo at kailangan mo ang support ng family mo.
Masakit na masakit talaga yan, pamangkin. But time heals (nearly) all wounds. Magpakatatag ka.
Seek God's comforting and healing touch.
This, too, will pass.
Tito and your FB cousins are praying for you.
Q-
Thank you Pastor. I will I will. Thank you po. I don't know how to start but I have to.
A -
Just tell them. Begin telling only one person...yung pinaka close sa yo at pinakamadaling kausap. Then sunud-sunud na yan.
Q -
My mom or my sister po. Katabi ko matulog mother ko po till now. Gusto ko ng iiyak sa kanya lahat.
A -
Go girl. Iiyak mo na. Total Viernes Santo ngayon.
God willing, sa Pasko ng Pagkabuhay / Resurrection Sunday, resurrected na rin ang puso mo!

Q - Pastor. Isang maigsing advise nyo po saken im one of the considered elders sa group na sinisimulan naming group of Christians here in the middle east. We are establishing objectives. We are from different churches, different cultures, puro filipino lang po kame.

Q - Pastor. Isang maigsing advise nyo po saken im one of the considered elders sa group na sinisimulan naming group of Christians here in the middle east. We are establishing objectives. We are from different churches, different cultures, puro filipino lang po kame.
A - 
Dapat habang nandyan kayo sa ME, walang magpopromote ng local church nila sa Pilipinas as special beneficiary ng church sa ME. 
Pag nangyari yan, magkakaron ng competition among your people kung kaninong church sa Piliipinas ang tatanggap ng support from your church in the ME. Magkakagulo kayo.
Of course, if the church abroad was planted by a specific church in the Philippines, or if it is a fruit of a specific church's mission, it's only proper na yung "mother" church sa Pilipinas ang maging beneficiary, if ever, nung church abroad.
Pero kung nabuo ang church abroad na hindi mission work of any specific church in PH, dapat manatili itong independent of any church in PH, except if the majority of the members / leaders agree to do so.

Q - Pano ko po malalaman na talagang mahal nya ako? Panay po kasi ang sabi nya na mahal na mahal nya ako.

Q - Pano ko po malalaman na talagang mahal nya ako? Panay po kasi ang sabi nya na mahal na mahal nya ako.
A - 
Do not listen to words / verbal language alone.
Watch the BODY LANGUAGE!
Kung talagang mahal ka,
ang gusto laging
- makita ka
- makasama ka
- makausap / makatext / maka-chat / maka- etc ka.
Pero kung puro excuses sa
- absence
- madalang na communication
- unexplained disappearances
- etc
MAG-ISIP-ISIP ka pamangkin.

Magpu-fulltime po ako sa church ministry. Any one special piece of advice?

 - Magpu-fulltime po ako sa church ministry. Any one special piece of advice?
A -
Have another /extra source of income.
Huwag umasa fully sa church support kasi malamang hindi yun sapat, especially 
- for retirement pagtanda mo
- sa ibang needs, like medical, housing, etc
- pagsuporta sa pamilya mo. Sa mga anak mo habang bata pa sila at sa mga magulang mo kung matanda na sila.
HUWAG GAYAHIN ANG GASGAS NANG "God will provide"
motto ng mga walang solid financial plans or business projects.
Tapos, pag nangailangan sila,
- magpaparininig
- hihingi
- aasa
sa iba.
(Yun pala ang ibig sabihin sa kanila ng "God will provide"!!)
Hindi ka nabubuhay para sa sarili lamang,
kaya i-consider mo ang pamilya mo --- at ang sarili mo--- kung papasok ka sa "fulltime ministry".
Ang maganda, yung financially independent ka from the ministry
o kaya may iba ka pang sources.

A TRUE VIERNES SANTO STORY

A TRUE VIERNES SANTO STORY
Minsang Viernes Santo,
may lalaking nalululon ang pustisong ngipin at bumara ito sa lalamunan, making breathing nearly impossible.
Hindi makahinga ang pasyente.
Dinala sya sa provincial hospital;
walang specialist doctor na puedeng makatulong.
On vacation.
Isinugod sa sa city hospital far away; ganun din.
Walang doctor.
Itinuloy sya sa malayung-malayung Manila
where there should be able doctors
pero nalagutan na sya ng hininga sa daan.
STAY EXTRA SAFE PAG HOLY WEEK;
WALA ANG MARAMING DOCTOR!

Thursday, 13 April 2017

Q - Falling in love could also cause great disappointment and pain, HOW CAN I PREPARE MYSELF SO I DON'T GET HURT THAT MUCH?

Q - Falling in love could also cause great disappointment and pain, HOW CAN I PREPARE MYSELF SO I DON'T GET HURT THAT MUCH?
A - 
Don't think of OWNING your beloved all for yourself.
It will NEVER happen.
There will always be other men and/or women to share your sweetheart with.
Laging may ka-share ke yun ay nanay/tatay, kapatid, kaibigan or --- brace yourself --- another sweetheart/playmate/ friend with benefits, etc NYA (na siempre secret from you)! Or sports, hobbies, interests, advocacies, religion, etc ----and all the people your loved one shares those interests with.
HINDI MO GANAP NA MAAANGKIN ANG MAHAL MO!
Yun lang mayron kang part/share sa kanya among the planet's 7 biliion other people, magsaya ka na!
AND:
Huwag mo na ring ibigay sa kanya ang buung-buung puso mo.
Kasi sa laki ng puso mo, hindi nya yan kayang punuin mag-isa.
Mai-stress lang sya --- at ikaw din.
Magtira ka ng pag-ibig sa nanay/tatay, kapatid, kaibigan, interests, religion, etc mo!

Q - Bakit po may mga preachers na matapos lumaki ang congregation nila ay nagkakaron ng "paradigm shift" o naiiba ang emphasis ng theology or thrust and direction of ministry? May mga nalilito tuloy na members ay may nag-aalisan pa nga?

Q - Bakit po may mga preachers na matapos lumaki ang congregation nila ay nagkakaron ng "paradigm shift" o naiiba ang emphasis ng theology or thrust and direction of ministry?
May mga nalilito tuloy na members ay may nag-aalisan pa nga?
A -
Conscientious preachers speak from conviction.
And preachers grow ( or retard) in their consciousness or convictions. Kaya puede talagang magkaron ng development ang kanilang pananaw at pagpapahalaga.
Ganun naman ang leader-preacher:
"I'm going there. Those who want to go there with me, join me!"
Ang tunay na leader naman ay hindi:
"O saan-saan nyo gustong pumunta?
Yung destination na pinakamaraming boto,
dun tayo pupunta.
Susunod ako sa gusto ng mob."
Hindi ganun ang true leader.
At kung medyo umiiba man ng direction ang preacher mula sa nakasanayan ng flock,
maaaring naglalayag lang sumandali ang kanyang consciousness at babalik din sa "standard" path? :-)
Meanwhile,
you follow a leader if you want the general direction of his/her mission/journey and you don't desert him every time he takes a route that is not exactly to your liking.

Q - Di po ba dapat malungkot at mournful tayo pag Holy Week?

Q - Di po ba dapat malungkot at mournful tayo pag Holy Week?
A -
On the contrary, dapat ay thankful, grateful and celebratory tayo pag Holy Week (at sa lahat ng weeks!)
Inaalala at ipinagpapasalamat natin ang pag-ibig ng Diyos through Jesus!
We ponder and celebrate the victory of Jesus over sin and death!
Sa Holy Week, inaalala lang natin ang lahat ng ito, pero hind naman kailangang ULITIN at KOPYAHIN natin ang paghihirap ni Jesus.
GInawa na nga nya ang lahat para sagipin at iligtas ang tao, kaya ang marapat gawin ay ipagdiwang ito at ipamuhay ang mga katuruan ni Jesus.
Hindi kailangang maglungkut-lungkutan mula Lunes hanggang Sabado tapos biglang magsaya sa Linggo.
Hindi naman naghihirap at namamatay paulit-ulit si Jesus twing Holy Week.

Q - Ano po ang pwedeng gawin pag dumating ka na sa point na feeling mo di ka pinakikinggan ni Lord, yung feeling mo di ka naman Nya talaga mahal?

Q - Ano po ang pwedeng gawin pag dumating ka na sa point na feeling mo di ka pinakikinggan ni Lord, yung feeling mo di ka naman Nya talaga mahal?
A-
Feeling lang yun. 
God loves us no matter what. 
But God's love does not always equate to yes or instant answers to your prayers.

Wednesday, 12 April 2017

"Do not mistake activity for achievement."

Q - Sobra-sobra po kaming pagod na pagod at exhausted to the max sa dami ng activities sa church namin. At sobra rin pong dami ng gastos na laging kaming members ang contribute nang contribute on top of our regular tithes and offerings. Paano po malalaman kung sulit ang lahat ng extra pagod at extra expenses sa napakarami naming mga gawain?
A -
Kung ang ending ay mas nagiging godly kayo,
mas nagkakaron ng peace and joy, mas nagiging good, kind and loving
at kung ang mga pinaglilinguran nyong mga tao ay nagiging ganun din?
"You will know them by their fruits."
Suriin nyo ang mga bunga ng inyong pagpapagod.
*
"Do not mistake activity for achievement."

HOW TO PREPARE FOR LIFES DISASTERS