Sunday, 8 July 2018

Isang Tanong Isang Sagot by Pastor Ed Lapiz 2018

Q - Tito ano po ggwin ko? d na po ako nabbless sa mga teachings sa church ng family ko. pinagbawalan po ako ni nanay na magattend pa sa iba kc daw isang pamilya kme dpt parepareho kmeng sumasamba and walang ibang religion na pwdeng puntahan o sumamba..ngaun po tito almost a yr na wala na po ung dating kong sigla sa church..
A -
Obey your nanay. Worship with them.
Tapos attend ka na lang EXTRA sa church na gusto mo.
Sa ibang araw o oras?




Q - Paano po tatanggihan ang friends and relatives na walang tigil sa paghingi ng pera at gift items sa katulad kong OFW?
Tapos, gusto ko naman po talagang magbigay AT makaipon din?
A -
Mag set ka ng percentage of monthly income mo na pang-save at pamigay.
Pag ubos na ang pamigay for this month, tanggihan na ang mga requests. Next month naman ulit?!



Q - Tito any tips on how to be a good house guest?
A -
Do not be a guest from hell! 
1. Do not invite yourself.
* Never invite/bring your own guest.
*** Never invite yourself again after the first/recent visit.
The last invitation is already past.
It does not entitle you to another.
2. Do not overstay your welcome.
*** The shorter the visit, the more welcome.
3. Respect the host's privacy.
Do not take and post photos without permission.
Never disclose to others whatever you see, hear or discover about the host's private life.
4. Minimize pang-aabala; bring personal effects.
5. Adjust to the host's life ways.
*** If you are the guest of a bat, you must hang upside down too."
6. If you broke or destroyed anything, replace or pay for it.
7. Send a thank you note right after the visit.
*** Better, send a small, thoughtful gift.
Good friends who visit are the best decorations of any house.
Be a good guest.





Q - Pwede po bang gamitin ng Christian ang word na "bahala"?
A -
Why not?
"Bahala" means si Bathla ang masusunod o makapangyayari.
= "God's will be done."
*
Bahala comes from BATHALA.
Na kung isusulat sa baybayin,
ay BAHALA.
*
(Kina-cancel kasi sa baybayin ang double consonants kaya "baTHala" would be written as batahala or bahala.)
*
As Bathala was an ancient Filipino word / name / reference for the Divine Creator/Deity, puedeng gamitin ng Christian kung itutukoy at gagamiting pantawag sa ating Almighty Creator /God.
(Kesa naman gamiting ang "Dios" which is Spanish or any other foreign words for God.)
-
Q - Sabi po "bad trait" ang bahala na? Parang "que sera sera"?

A - No!
Bahala means respossible, reliable, dependable, able, caring, etc. Halimbawa, "Ikaw na ang bahala sa mga kapatid mo." "Ako ang bahala sa inyo." Hindi naman yun que sera sera.
We have the same root word for pamamahala (Pangba-bathala) and pamahalaan (Pang bathalaan) meaning governance, leadership, protectiveness, etc.



Q - Bakit po gusto ni God na siya at hindi tao ang maghihiganti?
A - Kasi
ang tao puedeng magkamali:
yung magalit at maghiganti nang hindi naman pala dapat.
O kaya mawala sa lugar at sumobra ang galit o higanti.
So, sabi ng Poon / God, SYA na lang ang BAHALA.
Wag na tayong maki-alam at maghiganti.



Q - Pag po may conflict ang established scientific fact vs. traditional religious teaching, alin ang mas dapat tanggapin?
A -
Established, proven and tested scientific facts, concluded from standard scientific methods, usually do not contradict one another. And they can be subjected to independent testing and validation.
TO BE A SCIENTIST, one goes through rigorous standard, objective education and training ---kahit sa anung branch of science.
Meanwhile, there are many religious traditions.
1. Different religions contradict one another on major doctrines.
2. Religious teachings on the same subject within the same religion but among different sects could contradict one another.
3. Religious teachings within the same sects within the same religion but among different theologians very often contradict one another.
TO BE A RELIGIOUS "TEACHER" / theologian,
1) Many usually go through rigorous indoctrination, education, orientation and training BUT within the defined SUBJECTIVE theological and traditional mindset of their particular religion or sect.
2) Some "prophets, seers, gurus, preachers, teachers theologians", etc could arise from very PERSONAL and SUBJECTIVE "enlightenment" or "calling", even without training and not giving space for independent testing and validation.
1. Scientists usually agree on their "facts"; disagreements are usually premised on methodology.
2. Theologians hardly ever agree on anything.
SO, YOU FIGURE!? 



Q - Madali po akong ma-offend sa frank talk and language, lalu na pag gumagamit ng words na less than refined and polite at may reference sa sex or sexual organs?
A-
Tibay-tibayan mo ang sikmura, pamangkin.
Gumising ka, Maruja!
Hwag mag-Nene-nenean.
*
"Sapagkat ang mundo'y bayan ng hinagpis,
Mamamaya'y sukat tibayan ang dibdib..."
(Ang nene-nenea'y) walang pagtitiis,
Anong ilalaban sa dahas ng sakit?"
- Balagtas, Florante at Laura





Q - Lagi pong sinasabi ng husband ko na lahat daw ng mga ari-arian namin ay sa kanya kasi sya ang nagtatrabaho at house wife lang ako? Ano po kaya ang magandang isagot na makakabawi ako pero tatanggapin nya? Pikong-pikon na po ako! (PS: hibang na hibang naman po sa sa alindog ko!)
A -
Sabihin mo ikaw ang wife / maybahay kaya sa yo lahat ang ari-arian at ang tanging kanya, kanyang-kanya, exclusive and with feelings na kanya ay ang pag-aari mo! Sabay ipasilip mo ng konti. QUITS!




Q - Ang bait po talaga ng friend kong si M. Kahit po kaming tatlo nyang kabarkada ay hindi kagandahan at si M ay maganda, pinagtitiyagan po nya kaming kasama sa lahat ng lakad.
A -
Parang nai-imagine ko na na kahit saan kayo magpunta, sya ang napapansin ng boys?
So, isipin mo rin kung bakit nya kayo gustong kasama?



Q - Mula po nang mag OFW ang husband ko, sa nanay nyang nakatira sa family house nila ipinapadala ang monthly remittance, hindi sa akin! Samantalang wala po akong bad record in handling money. Binibigyan lang po ako ng byenan ko para sa pang gastos naming mag-ina? Nasasaktan po ako at naiinsulto. Ano po ang gagawin ko?
A -
Pag-uwi nya for vacation, wag mong pasipingin sa yo. Dun ka mo sya sa nanay nya umuwi?!



Q - Nagbukas po kami ng husband ko ng isang business pero suddenly, nagbukas din ang kumare namin ng exactly the same business! Tapos, sinisiraan ang negosyo namin sa social media!
A -
Hayae. Let the quality of your product, service and pricing do the talking for you!
At may 100+ MIllion Filipinos na market.
Just do your best and do not make her pansin.



Q - Pano po maiiwasang kainggitan? Will I lay low, yung super simple and quiet?
A -
Makakatulong na hindi ka sobrang mapansin.
Pero kahit ka pipi at paralyzed, may mai-inggit pa rin.
Kahit ka dukha, baog, gutom, loveless, may mai-inggit pa rin.
Wala dun sa kinai-inggitan ang problem kundi nandun sa
nai-inggit. Enviers will be enviers no matter what.
So, wag mong sikilin ang sarili para lang wag silang mainggit?!
Live and enjoy your life.



Q - May workmate po akong nandadaya sa OT at time card, madalas manood ng Korean telenovela while at work, maaraming naooffend na clients because of bad behavior, etc etc. Ilang ulit ko na pong sinubukang kausapin to improve her performance pero ayaw pong makinig, sya pa ang galit. Inaabuso po nya ang mabait naming employer.
A - Report to your superior?
Q - Di po ba pag-traydor yon?
A -Yung pagtatakip mo sa mga bad nyang ginagawa ang pag-traidor ----sa employer nyo.




Q - Hindi naman daw po si Lapu-Lapu ang personal na nagpabagsak kay Magellan? Kung ganun, bakit po sya hero?
A -
Command Responsibility!
Desisyon at utos nya ang paglaban.
In everything, the general credit (and blame) goes to the leader.
However, if there were specifically identified achievers, then they could /should be credited as well.
But in that battle, it was Lapu-Lapu vs. Magellan.
Extended, it was indigenous Filipino defence against Spanish/Western colonial offence.
And Lapu-Lapu, the "first Filipino", won!
----
Btw, mayron bang conclusive historical evidence to support that claim you mentioned?




Q - May mga kilala po akong church workers na
"Living by faith" daw tapos utang dito, utang dun;
hingi dito, daing dun, pa-"pray" dito, parinig dun...?
Lagi pong walang pera pero ayaw maghanap-buhay ng extra o mag-business. "God will provide" ang laging bukam-bibig?
A -
"Faith, if it has no works, is dead."
Living by faIth does not have to mean na wala ka nang gagawing practical moves para kumita tapos aasa ka sa charity. Then, asta pa na parang mas holy and godly than those who have gainful employment or business. Enlightened faith moves one to be productive and fruitful in all areas of life, kasama na ang pagtatanim para umani ng mga kailangan sa buhay.